Isko nanguna sa Maynila

NANGUNA sa bilangan si Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa partial unofficial result habang pangalawa ang reeleksiyonistang si Joseph Ejercito Estrada sa pagka-alkalde ng lungsod ng Maynila.

Ganoon din ang resulta sa inisyal na resulta ng bilangan mula sa City Board of Canvassers na ginaganap sa San Andres Sports Complex, nangu­nguna si Domagaso sa karera para sa pinaka­mataas na posisyon ng lungsod.

Sa huling talang ipinakita bandang 9:07 pm, nakakuha si Isko ng 328,031 boto, samantala, 191,993 boto ang nakuha ni Estrada.

Nakakuha naman si Mayor Alfredo Lim ng 126,644 boto at nasa ikatlong puwesto.

Sa pagka-bise alkal­de, nanguna rin ang kaal­yado ni Domagoso na si Honey Lacuna na naka­kuha ng botong 358,849.

HATAW News Team