Thursday , June 25 2026

Pambansang Kongreso sa Katutubong Wika 2019

ANG Komisyon sa Wikang Filipino sa pakiki­pagtulungan sa La Consolacion College Bacolod ay magsasagawa ng Pambansang Kongreso sa Katutubong Wika na gaganapin sa SMX Convention Center, Lungsod Bacolod, Negros Occidental mula 19-21 Agosto 2019.

Ang Kongreso ay tumutugon sa pagpa­palaganap at pagpapaunlad ng wikang Filipino at mga katutubong wika. Ito ay magtatampok sa pangkalahatang estado ng mga katutubong wika sa Filipinas at sa halaga ng adyendang mabubuo sa pangangalaga nito. Ang tunguhing ito ay lubos na makatutulong sa pagpapataas ng kamalayan na unti-unting hihimok sa pakikisangkot sa pagpapasigla ng mga katutubong wika.

Layunin nitong maitampok ang halaga at pangkalahatang estado ng katutubong wika at matalakay ang mga paraan sa pagpapaunlad at lalo pang pangangalaga bilang mahalagang aspekto ng ating identidad bilang isang mamamayang Filipino. Magkakaroon ng talakayan hingil sa kahalagahan ng katutubong wika bilang pundasyon ng “intangible cultural heritage” at daluyan ng karunungang-bayan.

Bukas ang seminar sa mga guro, mana­naliksik, manunulat, mag-aaral, ahensiyang pamahalaan, organisasyong di-pampamahalaan o NGO, at sinumang may interes hinggil sa pag-aaral sa katutubong wika at sa mga paraang magpapatibay at magpapasigla bilang pundasyon ng intangible na pamanang kultura ng samba­yanang Filipino.

*May 400 slot lamang kaya ‘first come, first serve’ ang panuntunan sa pagtanggap ng kalahok.

Maagang pagrerehistro (early registration) P2,400.00

Para sa Senior Citizen, PWD, at estudyante at maagang magpaparehistro P2,160.00

Panahon ng maagang pagpaparehistro  22 Abril – 19 Hulyo 2019

Regular na rehistrasyon  P3,000.00

*Senior Citizen at PWD*  P2,400.00

* Estudyante (undergraduate) P2,400.00

Panahon ng regular na rehistrasyon  20 Hulyo – 19 Agosto 2019

*Kailangang magpakita ng ID

 

Paraan ng Pagbabayad

  1. Ideposito ang halaga sa: Pangalan ng Account: Komisyon sa Wikang Filipino Numero ng Account: 1512-1036-30 Banko: Landbank of the Philippines Branch: Malacañang
  2. Ipadala ang kopya ng deposit slip sa [email protected]. Kung senior citizen, PWD, at estudyante, kasamang ipadala ang ID. Dalhin din ang deposit slip sa seminar.
  3. Para sa regular na pagbabayad, maaaring sa unang araw ng kongreso o ideposito sa bank Account ng KWF.

Para sa iba pang detalye, maaaring kontakin ang sumusunod: Email: [email protected]

Cellphone: 0927-685-6786 (Globe) / 0942-7365283 (Sun) Landline: (02) 252-1953

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Over 21,000 Filipinos Access Job Hiring and Upskilling Opportunities Through SM Supermalls and DOLE’s Nationwide Araw ng Kalayaan Job Fairs

SM in collaboration with the Department of Labor and Employment (DOLE) hosted the Araw ng …

FFCCCII Filipino at Tsino Magkaibigan Foundation

Filipino-Chinese Groups Unite to Deliver P11 Million in Earthquake Assistance

The Filipino-Chinese community, led by the Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. …

Pag-IBIG Housing Loan 4PH

Pag-IBIG Fund offers promo home loan rates to make more homes affordable under President Marcos’ Expanded 4PH

President Ferdinand R. Marcos Jr.’s Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program continues to make …

Bringing Hope to Mindanao COSOVA Partners with Angat Buhay for Earthquake Relief Efforts

Bringing Hope to Mindanao: COSOVA Partners with Angat Buhay for Earthquake Relief Efforts

In the difficult days following the recent earthquake in Mindanao, COSOVA took immediate action to …

Nustar Online IRUNPH South Run All Out, All Proud

Nustar Online sinuportahan mga lokal na magsasaka at IRUNPH South Run: All Out, All Proud

ISANG matagumpay  at makabuluhang milestone para sa Nustar Online ang pagsali sa IRUNPH South Run: All Out, All Proud bilang …