Saturday , July 27 2024

Max Collins at Pancho Magno, hindi nagmamadaling magka-baby

Having a baby is not Max Collins and Pancho Magno’s priority at the moment.

Umeere pa raw kasi ang Bihag at kaka-start namang mag-taping ni Pacho ng Dahil Sa Pag-ibig, kasama niya rito sina Win-wyn Marquez, Sanya Lopez at Benjamin Alves kaya on hold na muna ang paggawa ng bata.

Anyway, ikinasal raw sila last December 11 last year at hindi pa sila nakapagha-honeymoon.

Plano raw nilang mag-honeymoon sa Europe nang at least mga three weeks.

Plano raw nilang ikutin ang Portugal, Spain, Italy, Russia bago magbuntis si Max.

Pagkatapos ba nang pag-ere ng Bihag sila magbibiyahe ni Pancho?

“Depende rin sa schedule, maybe more of next year.

“It’s about timing din, ayaw naming biglain kasi siyempre mahirap talaga, e.”

Last December, apart from their wedding, her winning the Metro Manila Film Festival Special Jury Prize in her portrayal of the young Gloria Romero in the movie Rainbow’s Sunset was ultra-memorable.

Sa Bihag naman na serye ng GMA, labis niyang ikinatutuwa ang magagandang feedbacks na kanilang nakukuha sa role niya bilang Jessie.

Kasama niya sa Bihag sina Jason Abalos bilang si Brylle, Sophie Albert bilang Reign, Raphael Landicho bilang Ethan, Neil Ryan Sese bilang Amado at Mark Herras bilang SPO1 Larry Pineda.

Mula sa direksiyon ni Neal del Rosario, mapanonood ito right after Dragon Lady.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *