Saturday , July 27 2024

Pag-alma ni Regine sa China, pinuri ni Ethel

PINURI ni Pag-alma ni Regine sa China, pinuri ni Ethel bilang matapang sa hanay ng mga kababaihan sa pagsiwalat ng kanyang saloobin patungkol sa China.

Inalmahan kasi ng Asia’s Songbird ang pag-angkin ng mga Tsino—hindi lang sa karagatang pag-aari ng Pilipinas—kundi maging ang mga pagkaing-dagat na nakukuha sa mga ito.

Noon pa nama’y very vocal na si Regine laban sa administrasyong Duterte lalo na noong panahong nauso ang “stupid God” na linyang binitiwan ng mismong Pangulo.

All this time though ay tahimik lang ang mister ni Regine na si Ogie Alcasid, pero hindi ibig sabihin nito’y Ogie does not share his wife’s sentiments.

Sa hanay ng mga singer, dumagdag si Regine sa listahan ng mga lantarang bumabatikos sa kasalukuyang pamunuan. Nariyan siyempre sina Jim Paredes, Agot Isidro, Celeste Legaspi, Cynthia Patag at marami pang iba.

Saludo kami kay Regine sa aspetong ito. Hindi niya kasi inalintana ang posibleng consequences ng kanyang pagiging isang anti-Digong lalo’t ang nilipatan niyang network—ang ABS-CBN—ay pinag-iinitan ng Presidente.

(RONNIE CARRASCO III)

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *