Saturday , July 27 2024
Jeric Gonzales

PDEA, nagbabala sa mga artista; Jeric, may pakiusap

AYON kay PDEA Chief Aaron Aquino, 31 ang pangalan ng mga artista na nasa drug watchlist ng PDEA. At pangangalanan na nila ito in due time.

Nais niyang iparating sa mga artistang sangkot sa droga ang mensahe na tumigil na sa paggamit o pagtutulak ng droga.

Marami na rin kaming nahuling mga artista. And huwag ninyo nang hintaying mahuli namin kayo. Huwag ninyong sabihing nasa hotel kayo, nasa condominium, nasa exclusive subdivision, bibirahin at bibirahin namin kayo,” babala niya.

Para makatulong sa kam­­panya kontra-droga, hinimok ng PDEA ang mga TV network na isailalim sa surprise at mandatory drug test ang mga artista.

Kung gagawin ito, dapat mayroong mga tauhan ng PDEA na susubaybay sa gagawing pag-inspeksiyon.

I just hope that na kung mangyari man, lahat sana ng celebrity present just to be, just to show to the public that they are clean,” ani pa ni Aquino.

Nag-text kami kay Jeric Gonzales, kinuha namin ang kanyang reaksiyon bilang isa ring artista, kung  pabor ba siya na pangalanan na ng PDEA ang mga artistang involved sa droga. At ayon sa textback niya sa amin, “sa tingin ko naman, bilang artist, kailangan din i-consider ‘yung image ng isang artista, kasi pinangangalagaan din namin ang mga imahe namin sa tao. Kaya opinyon ko lang, baka pwedeng i-private na lang muna kung pwede, at siguro warning na lang. Pero kung talagang medyo hindi na talaga mapigilan eh, pwede na siguro ilabas ang pangalan, para magkaroon ng awareness at pati sa mga iba ang artista na malaman nila na ganoon na kahigpit ngayon para sa kapakanan na rin naman namin.” (ROMMEL PLACENTE)

About Rommel Placente

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *