Saturday , July 27 2024

Negosyante, nagngingitngit sa aktor, ‘di pa bayad sa campaign materials na ginamit noon

NAGNGITNGITNGIT ang isang negosyanteng pinagpagawaan ng mga campaign materials noon ng aktor na ito na tumatakbo na naman para sa isang local elective post. Hanggang ngayon kasi’y hindi pa siya nababayaran sa pagkakautang nito.

“Juice ko, ang kapal ng fezlak ng lolo mo na tumakbo uli, eh, may utang pa nga siyang dapat bayaran sa akin, ‘no!” himutok ng supplier ng mga campaign paraphernalia tulad ng poster, flyer at kung anik-anik pa.

Nagtataka tuloy ito kung sino raw ang bagong supplier ng aktor, ”I’m sure, may nabola na naman siya para makautang ng kailangan niya ngayong malapit nang magsimula ang kampanya sa national level.”

May pagkasigurista raw kasi ang aktor, na kung “Luz Valdez” nga naman siya ay ano ang ibabayad niya? Mabuti raw sana kung “Winnie Monsod” siya, kaso waley.

Da who ang aktor na itey na noong nakaraang botohan ay nag-ambisyon ng national position at ngayon ay sa local level Na lang? Itago na lang natin siya sa alyas na Manny Duran.

(Ronnie Carrasco III)

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *