Saturday , July 27 2024

MTRCB, binabatikos dahil sa “kissing scene” sa Eat Bulaga

OVER REACTING ang mga netizen na bumaba­tikos sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), kahit hindi pa naglalabas ng desisyon in connection with the “kissing scene” between two mature males na nangyari last March 30 sa episode ng “Boom” segment nang Eat Bulaga.

Bago mag-react in a highly violent manner, let’s all wait for MTRCB’s verdict.

Dahil if we are going to watch intently the lip service at the “Boom segment” of their guest Jhon Patrick Driz with his boyfriend Paul Cervantes, na ikinagulat din ni Vic Sotto ang mga pangyayari, posibleng ganito rin ang reaksiyon ng Eat Bulaga! staff.

Forty years na ang Kapuso noontime show kaya alam na alam na nila ang mga batas na ipinatutupad ng government agency that is being headed by Rachel Arenas.

Isang simpleng apo­logy lamang from the Eat Bulaga! management, tapos na ang isyu.

Parehong mga talent ng GMA-7 at ng ibang television networks sina Driz at Cervantes.

Nevertheless, nag-apologize na si Driz dahil aware siyang may televiewers na hindi pa­bor sa ginawa niyang paghalik sa kanyang boyfriend.

“Maaaring hindi man po tanggap pa sa lipunan natin ang ganitong relation pero maraming salamat po sa mga taong sumusuporta sa mga gaya namin na LGBTQ community.”

Driz extended his apology on his Facebook account.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

 

 

 

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *