Friday , July 1 2022

May ‘fake news’ pero ‘wag ‘gamiting’ rason

POSIBLENG  may “fake news” na kumalat patungkol sa umano’y pagnanakaw ng Yolanda funds, ngunit hindi dapat kalimutan ng publiko ang pagpapabaya at pagkukulang ng pamahalaan sa nangyaring krisis.

Ito ang pahayag ng broadcast journalist at kandidato para sa Senado na si Jiggy Manicad bilang sagot sa isang statement mula sa kampo ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas na nagbabala sa publiko tungkol sa “fake news” na umiikot ukol sa Yolanda funds.

Maaalalang si Manicad ang nanguna sa tanging TV broadcast na napalabas sa bansa sa kasagsagan ng bagyo.

“Kasama kami ng mga taga-Leyte noong rumagasa ang bagyong Yolanda. We thought we were going to die. We were the first and only network to go live then. To the horror of the victims in the hours, days following the typhoon, wala pa rin tulong. Konti pa lang ang rume­responde,” ani Manicad.

“Kaming reporters we all knew that the biggest typhoon on record was coming. Surely, alam din ‘yan ng DILG. Bakit nagkulang pa rin tayo sa agarang pagsu-supply ng tubig, koryente, pagkain pagkatapos ng bagyo?” tanong ng mama­mahayag.

Noong Huwebes, sinabi ng spokesman ni Roxas na si Caloocan Rep. Edgar Erice, ang testimonya ni Senator Panfilo Lacson na nagsasabing hindi naman ninakaw o ginamit sa maling paraan ni Roxas ang Yolanda funds ay nagpa­pawalang-bisa sa anomang “fake news.”

Si Lacson ang nag­silbing “rehabilitation czar” matapos ang nasabing bagyo. Sa kabila nito, iginiit ni Manicad na hindi dapat kalimutan ng publiko ang kapabayaan ng gobyerno sa pagtutok sa pinsalang idinulot ng bagyo.

“One could clearly point out the lack of structure and coordination. It took days sometimes just for bodies to be picked up, for some areas to receive water. Nagnanakawan, nagkaka­sakitan na ang mga tao,” ani Manicad.

“With respect to former Sec. Mar, ‘yun naman ay hindi fake news. Tanungin n’yo na lang po ‘yung mga taga-Leyte,” dagdag niya.

Ayon sa mga mamamahayag, mahigit dalawang dekada nang nagbabalita ukol sa mga krisis at sakuna sa bansa, kailangang alalahanin ang mga aral na napulot mula sa Yolanda bilang paghahanda sa mga darating na sakuna.

“Ngayon, may water crisis po tayo. May El Niño at ilang bilyon na ang nawala dahil sa tagtuyot. Ito pong mga sitwasyon ay padalas nang padalas. Oras na para isulong natin ang angkop at agarang aksiyon pagkatapos ng sakuna, at mag-implement ng long-term solutions para maiwasan ang grabeng mga epekto nito,” panawagan ng kandidato.  (JG)

About hataw tabloid

Check Also

Lani Cayetano Alan Peter Cayetano Taguig 1

Panunumpa sa tungkulin sa Taguig City

MASAYANG nanumpa si Taguig City Mayor Lani Cayetano kay Hon. Judge Antonio Olivete sa pormal …

Ruffy Biazon Muntinlupa oathtaking 1

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City na si Mayor-elect Ruffy Biazon …

Mel Aguilar April Aguilar Las Piñas Feat

Mel at April Aguilar nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City

SABAY na nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar at …

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

INIHATID ng Cebu Pacific Air sa lungsod ng Tagbilaran, sa lalawigan ng Bohol noong nakaraang …

Bongbong Marcos BBM

Pagbasura sa DQ kay Marcos ‘di nakapagtataka – Makabayan

HINDI, umano, nakapagtataka ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon na idiskalipika …

3 comments

  1. Hey great website online!! Fellow .. Amazing
    .. Great .. I’ll lesezeichen your website plus grab the provides nourishment to
    also¡KI’m delighted to discover a lot of beneficial information here through the publish, we really want grow far more approaches on this particular reverence, thank you for revealing.
    . . . . .

  2. It’s service provider in order to make many policies into
    the future as well as being time for it to feel special. I’ve check
    out this content just in case I could possibly I prefer to would suggest most people several
    intriguing elements and even ideas. Might will create
    then articles regarding this short article. I’d
    like to continue reading reasons doing it!

  3. Omg! Thank you so much! I personally in the long term was going to write in my websites as
    well. Can one take a portion of this post to help you this site?

Leave a Reply