Saturday , July 2 2022

Bill Waiver Plan ikinasa ng Manila Water

INIANUNSYO ngayon ng east zone conces­sionaire Manila Water ang plano nilang bill waiver para sa custo­mers na labis na naa­pek­tohan ng kasaluku­yang water service interruption.

Ang waiver plan na ito ay alinsunod sa patuloy na hakbang na ginagawa ng kompanya upang maibalik sa normal na operasyon ang supply ng tubig.

Matapos makipag­konsulta sa Metro­politan Waterworks and Sewerage System (MWSS), ang bill waiver ay naaprobahan at inaasahang ipatutupad sa Abril para sa mga nakaranas ng kaku­langan at kawalan ng tubig ngayong buwan ng Marso.

Ayon kay Ferdinand dela Cruz, Presidente at Chief Executive Officer ng Manila Water, ang hak­bang na ito ay inaasahang makababawas sa narara­nasang abala ng mga consumer dulot ng water interruption.

Ang kabuuang bill waiver ay nagkakahalaga ng P150 milyon.

Ito ang unang pagka­ka­taon na makararanas ng discount ang mga taga-Metro Manila sa kanilang mga bill ng tubig.

Sa kasalukuyan, 97 porsiyento ng consumer ang nakararanas nang mas mahabang oras ng supply ng tubig kompara noong nakaraang linggo, matapos ipatupad ang rotational supply scheme noong 14 Marso.

Lahat ito ay bahagi ng hakbang ng kompanya upang maibalik sa normal ang tubig sa mas maa­gang panahon, dagdag ni Dela Cruz.

Kung maalala, bago makuha ng Manila Water ang east zone noong 1997, nagkaroon ng matindi at  samot-saring problema sa sistema tulad ng 26 porsiyento lamang ng populasyon ng lugar ang may 24 oras na supply ng tubig.

Ito ay dahil sa mga tagas mula sa mga lu­mang tubo, meter tam­pering, at ilegal na konek­siyon na nagdulot din ng mataas na insidente ng kontaminasyon at mga sakit na nagmumula sa tubig.

Dahil sa Concession Agreement, ipinasa ng MWSS ang operasyon ng water utilities sa east one sa Manila Water.

Simula 1997, ang mga residente sa east zone ay nakaranas ng pagbabago sa kanilang tubig at serbisyo sa waste­water dahil sa hakbang ng Manila Water para palaguin ang pagba­bahagi ng linya at bawa­san ang system losses.

Mula sa pagbaba­hagi ng 440 milyong litro kada araw noong 1997, nabawi ng Manila Water ang water losses at dahilan ito upang mai­ba­hagi ang 1.3 bilyong litro ng tubig kada araw sa 6.8 milyong residente.

Mula rito, halos 1.8 milyong residente sa mahihirap na komu­nidad ang nabigyan ng access sa malinis at abot-kayang tubig sa pamamagitan ng pro­grama ng kompanya na “Tubig Para Sa Ba­rangay” o “Water for the Community.”

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Lani Cayetano Alan Peter Cayetano Taguig 1

Panunumpa sa tungkulin sa Taguig City

MASAYANG nanumpa si Taguig City Mayor Lani Cayetano kay Hon. Judge Antonio Olivete sa pormal …

Ruffy Biazon Muntinlupa oathtaking 1

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City na si Mayor-elect Ruffy Biazon …

Mel Aguilar April Aguilar Las Piñas Feat

Mel at April Aguilar nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City

SABAY na nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar at …

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

INIHATID ng Cebu Pacific Air sa lungsod ng Tagbilaran, sa lalawigan ng Bohol noong nakaraang …

Bongbong Marcos BBM

Pagbasura sa DQ kay Marcos ‘di nakapagtataka – Makabayan

HINDI, umano, nakapagtataka ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon na idiskalipika …

Leave a Reply