Monday , July 4 2022
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Celebrities’ na suki ng party drugs supplier ilantad na

KAMAKAILAN napaslang ng mga awtoridad ang isang big time party drugs supplier sa isang buy bust operations sa isang condominium sa Sta. Cruz, Maynila.

May nakuhang P.3 milyong halaga ng mga ipinagbabawal na gamot gaya ng shabu at ecstacy.

At sa nakuhang mobile phone, sinabing may mga nakarehistrong pangalan ng mga artista at ilang celebrities na sinasbing ‘suki’ ng napaslang na illegal drug supplier.

Pero hanggang ngayon wala pang inilalabas na pangalan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung sino-sino ang mga nasabing celebrities at artista.

Kaya marami ang nagtataka. Bakit kailangang ibinbin ang paglalabas ng pangalan ng mga celebrity?

Bakit kapag pangkaraniwang mamamayan na nasasangkot sa ilegal na droga ay kaydaling iparada sa media at pangalanan?!

Kontodo photo op pa…

Mayroon bang tinitingnan at tinititigan ang kampanya laban sa ilegal na droga ng PDEA at iba pang law enforcement agency ng pamaha­laan?!

Kung ayaw ilantad ang pangalan dahil gustong matimbog ang isa pang malaking target, hanggang kailan bago ilantad ng mga awtoridad ang mga pangalan?!

Aba, naunahan pa kayong maglantad ng narco-list ni Pangulong Digong?!

PDEA chief, Sir Aaron Aquino, pangalanan na po ninyo ‘yang mga celebrity na ‘yan!

 

BEER GARDEN SA INTRAMUROS
NAMAMAYAGPAG PA RIN
(ATTN: INTRAMUROS ADMIN)

HINDI pa rin pala natitigil ang operation ng mga beer garden diyan sa Intramuros, malapit sa Letran.

Totoo bang ang mga beer garden na ‘yan ay umuupa sa isang alyas Bing?!

Gaano ba kalakas sa Intramuros Admin si alyas Bing?!

Protektado ba si alyas Bing?!

Heto po uulitin lang po namin, ang tinutukoy po namin ay beer garden doon sa malapit sa Letran.

Hindi beer garden sa National Press Club.

Kaya ‘yung umuusok ang tuktok at tumbong magbasa lang nang mabuti ha!

Klaro ‘yan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

PROMDI ni Fernan AngelesI

MOA ni Gina Lopez, ibasura na

PROMDIni Fernan Angeles NANANAWAGAN ang mga katutubong magsasaka at mga residente ng Sitio San Roque, …

Dragon Lady Amor Virata

Kagulat-gulat na anunsiyo ni Parañaque newly elected mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata FIRST time in history sa local government ng Parañaque, …

Sipat Mat Vicencio

‘Butas ng karayom’ ang papasukin ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio ANG pormal na panunumpa ni Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., bilang ika-17 pangulo …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paalam, PRRD

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. DALAWANG araw na lang at magwawakas na ang administrasyong …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Laban vs COVID, let’s do it again

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING magulang ang nagnanais na sana ay matuloy ang 100 porsiyentong …

Leave a Reply