Friday , June 21 2024

VP Leni tiwala sa taongbayan: Kakayahan ‘di pera basehan sa halalan

LAGUNA — Hindi man kilala ang mga kandi­dato ng oposisyon, tiwala si Vice President Leni Robredo na bibig­yan sila ng pagkakataon ng taongbayan sa dara­ting na eleksiyon, dahil napatunayan na silang matitino at mahuhusay.

Dumalaw si VP Leni sa iba’t ibang bahagi ng Laguna nitong Miyer­koles (6 Marso), upang maipakilala sa mga kinatawan ng iba’t ibang sektor ang mga kandi­dato ng Otso Diretso — walong lingkod-bayan mula sa iba’t ibang partido at karanasan, na marami nang napatu­nayan sa serbisyo-publiko.

Ayon sa Pangala­wang Pangulo, alam ni­yang malaki ang pagpa­pa­halaga ng mga botan­te sa husay ng mga kandi­dato, kung mabibig­yan lamang ng pagkaka­taon na makilala sila.

Aniya, pareho ito sa kaniyang naging tagum­pay noong 2016, na uma­ngat siya “from 1% to Vice President.”

“Hindi pera ang pina­ka­mahalaga. Ang maha­la­ga, magpakilala sa tao, dahil ang tao, pipiliin iyong pinakamabuti para sa kaniya,” wika ni VP Leni.

“Kapag ang tao ay binibigyan ng pagkaka­taong pumili, iyong pipiliin niya iyong tingin niya na mabuti. Kahit anong pang-aalipusta, talagang ang pipiliin nila iyong mas mabuti,” dagdag niya.

Lubos na naniniwala si VP Leni sa mga kan­didato ng Otso Diretso, na kamakailan lang ay pinulaan ni Pangulong Rodrigo Duterte at sina­bing “diretso sa impi­yerno,” dahil sa pagtu­ligsa sa mga maling poli­siya ng kaniyang admi­nis­trasyon.

Sa kabila ng tirada ng Pangulo, patuloy na nagpapalakas ng pu­wer­­sa ang Otso Diretso, na binubuo nina Sen. Bam Aquino, Mag­dalo Rep. Gary Alejano, dating senador Mar Roxas, dating congress­man Erin Tañada, dating solicitor general Pilo Hilbay, ang igina­galang na human rights lawyer na si Chel Diok­no, ang election lawyer na si Romy Maca­lintal, at ang dating Bang­samoro Transition Com­mittee member na si Samira Gutoc.

About hataw tabloid

Check Also

Samuel Pabonita Pasay Police

POGO sa Pasay, krimen walisin — Pasay cop

INAMIN ni Pasay City Chief of Police Col. Samuel Pabonita, malaking bagay para sa seguridad …

3,000 Caviteños Cayetano DSWD

3,000 Caviteños nagpasalamat sa suporta mula sa mag-utol na Cayetano at DSWD

PINAIGTING ng mga tanggapan nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano ang kanilang pagbisita sa …

062124 Hataw Frontpage

Indigenous gas dev’t bedrock ng PH sa kinabukasan ng enerhiya — Prime Energy exec

TAHASANG sinabi ng isang executive officer ng Prime Energy Resources Development (Prime Energy) na hindi …

062124 Hataw Frontpage

2 medyas na puno ng dolyares nawalis sa NAIA3

HATAW News Team TINATAYANG P1.1 milyon ang halaga ng mga dolyares na nadiskubre sa dalawang …

shabu drug arrest

2 tulak huli sa Malabon, Vale buybust

DERETSO sa hoyo ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos matimbog sa magkahiwalay …

One comment

  1. Diwa uy Ballesteros

    May TIWALA ako sainyo VP Leni. May tiwala ako sa mga kakayahan ng kandidato mo. Lalo na si Senator Bam Aquino at Chel Diokno. makakaasa kayo na ang boto ko ay sakanila. Salamat sa pagsuporta at VP Leni. Hindi natin kailangan ng pera para mas makilala tayo. Ang kailangan maging totoo hindi sinungaling at magsipag para makilala tulad ng ginawa niyo noong nakaraang election. #YesToBAM #BAMSaSenado #ChelDiokno #VPLeni

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *