Saturday , July 27 2024

Heavy kasi si Yassi kaya napagkamalang pandak!

Sa isang occasion ng Asap Natin ‘To, pinuna ng dalawang netizen ang pagiging pandak raw ni Yassi Pressman.

Hindi naman na-offend si Yassi at nagsabing baka raw dahil sa hindi pantay ang stage or words to that effect.

Sa totoo lang, halos pantay lang naman ang height nina Yassi at sa ikino-compare ritong si Nadine Lustre.

The thing is, Nadine’s deliciously svelte while Yassi’s somewhat rounded and fleshy.

Go on a diet, hija. Dahil siguro sa marami kang andalu kaya napababayaan ka na sa kusina.

Napababayaan raw sa kasina, o! Harharharharhar­harhar!

‘Yan kasi ang mahirap when you’re beginning to earn a lot of dough, dieting becomes a problem.

Si Nadine kasi, she is very particular with her kind of figure because of James Reid.

Siyempre, once na tumaba siya, makatitikim siya ng pagpuna mula kay James na kilala sa pagiging brutally frank.

‘Yun lang!

Kaya bawasan ang lafang dahil marami na ang nakapupuna sa iyong unti-unting paglobo.

‘Yun nah!

 

Philippine Queen of Jazz Annie Brazil dies

Pumanaw na ang tinaguriang Queen of Jazz of the Philippines na si Annie Brazil.

She passed away last Tuesday evening at the age of 86.

Since November 2017 ay in and out of the hospital na si Annie after suffering from a massive stroke.

Bumuhos naman agad ang bugso ng pakikiramay ng mga kaibigan at kakilala ng singer sa kanyang Facebook account at sa anak niyang si James Merk, also a gifted performer.

Annie started singing when she was barely six years old in front of the American soldiers at Clark Air Base and at Jimmy’s Night Spot along Dewey Boulevard.

Sa kanyang pagdadalaga, she went to Okinawa, Japan where she was able to meet the father of his son Richard Merk named James Bernard Merk, an American Air Force disc jockey.

Wayback in the year 1959, Annie married an American named David Wolfe where she had seven children, the most prominent of which happened to be former singer/actress Ann Wolfe.

Naghiwalay sina Annie at David noong taong 1972.

Her remains are lying in state at the Loyola Memorial Chapels in Guadalupe, Makati.

Magsisimula ang public viewing mamayang alas-dose ng tanghali, March 6.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *