Monday , June 24 2024

Cristine Reyes, nag-ala Angelina Jolie sa Maria; Sariling kaligayahan, isinantabi

SUPER fan pala ni Angelina Jolie si Cristine Reyes kaya naman na-excite siya nang sabihin ng Viva na gagawa siya ng action movie, ang Maria na idinirehe ni Pedring A. Lopez na mapapanood na sa March 27. Si Angelina rin ang dahilan kung bakit may mga tattoo siya.

Kuwento ni Cristine, extensive ang training na ginawa niya. “A month of training kay Kuya Sonny (Sison, fight choreographer/fight director) and madali naman siyang kunin. Madali siyang ma-pick-up.” At kahit nagkaroon siya ng mga pasa sa braso at binti, walang anuman iyon sa aktres at hindi ito nagreklamo.

Kaya masasabing, nag-ala Angelina si Cristine sa Maria na gagampanan niya ang isang assassin, si Lily, na matapos suwayin ang utos ng kanyang organisasyon, pineke ang kanyang kamatayan. Nagbagong buhay sa probinsiya sa pangalang Maria at doon nakilala si Bert, isang negosyante na naging asawa at nagkaroon ng isang anak.

Pinuri si Cristine ng director niya sa Maria. Anito, “Cristine handle the fights with almost 90% of all her stunts without doubles.”

“Noong sinabi sa akin na gagawa ako ng action film, for me parang ‘wow! sige, I wanna do this.’ I’m so open about this,” sambit ni Cristine.

Hindi inaasahan ni Cristine na makagagawa siya ng ganitong klaseng pelikula.

“Kasi rito sa atin laging lalaki ang gumagawa ng action film. Kaya for me noong sinabi sa akin na gagawa ako ng action film, sabi ko ‘sige, game!’”

Kaya naman dapat abangan ang maraming eksenang gagawin ni Cristine lalo na iyong, “eksena ng family namin lalo na ‘yung may nangyaring trahedya sa anak ni Maria. Kaabang-abang ‘yun. ‘Yung revenge ng isang nanay. Sa mga action fanatics, abangan nila ‘yung fight scenes namin most specially ‘yung favorite na sabi nila na scene namin ni Jennifer (Lee) sa club.”

Samantala, ipinagdiwang ni Cristine kamakailan ang kanyang 30th birthday abroad kasama ang mga kapatid na sina Heidi at Ara.

“Yes, 30 na ako at I thought I need to have quality time with my sisters—Ara and Heidi—then after niyon bumawi naman ako kay Amara sa Boracay, mother and daughter time and then kasi bugbog ako ngayon. Blessings naman kaya okey lang. and at the same time gusto ko pa rin ng quality time with my family and my daughter.”

Kuwento pa ni Cristine na masarap ang naging bonding nilang mag-ina. “Kung pwede lang na araw-araw kasama ko siya (Amara). Wala tayong magagawa eh, working mom tayo kailangan talaga magtrabaho eh. Pero in-explain ko naman sa kanya. Na kailangan kong mag-work lalo pa’t mahilig ang anak ko mag-hotel.”

At dahil 30 years old na si Cristine, natanong siya kung ano ang nabago sa kanyang buhay ngayon.

“Ngayong 30 na ako, iba na ang outlook ko sa buhay. Hindi na naghahanap ng kasiyahan sa buhay. Ang hinahanap mo na ngayon ay kung ano ‘yung.. actually, wala akong hinahanap sa buhay, ano lang for me, rati kasi noong bata ako parang ayaw kong magtrabaho. Bakit ba ako nagtatrabaho, ganyan.Ngayon parang, no, I need to work. Wala ng fun, for me ha. Gusto ko ng umuwi, gusto ko ng makita daughter ko, ganoon na.”

At gusto niyang ma-achive ang komportableng buhay at “happy life.”

At nang itanong ang, sabi mo you need to work dahil ikaw na lang ba ang nagtatrabaho ngayon? “Eversince naman po ako ang nagwo-work for myself. And I can really say that I’m a self made. And eversince I started working for 15 years, since 2003, I also help my family and nobody really help me financially.”

Napaisip lang kami sa susog na tanong na, ‘yung family para sa iyo kayo na lang talaga?’ na ang sagot niya ay, “Yes family, kami na lang talaga.”

Makakasama ni Cristine sa Maria sina Ivan Padilla, KC Montero, Guji Lorenzana, Jennifer Lee, Andrea del Rosario, Cindy Miranda, Freddie Webb, at Ronnie Lazaro. Ito’y mula sa Viva Films, BlackOps Studios Asia, at PsyOps.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zara Lopez Reece Sapphire

Zara Lopez sa kabila ng mga pagsubok may matibay pananalig sa Diyos, nakatutok sa mga anak na sina Reece at Sapphire

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KAHIT dumating man ang maraming pagsubok at dagok sa buhay, …

BGYO

BGYO nagsampa cyberlibel at unjust vexation vs mga indibidwal na nagpapakalat ng fake news

MA at PAni Rommel Placente HINDI na nakapagpigil, nagsampa ng kasong cyberlibel at unjust vexation …

Gary Estrada Dina Bonnievie Bernadette Allyson Carmina Villarroel

Gary ini-stalk noon si Dina; magpapakamatay ‘pag ‘di pinansin 

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Gary Estrada sa Saturday morning show na Sarap, Di Ba? ng GMA …

AR dela Serna Harry Roque

Sino nga ba si AR dela Serna na laging kasa-kasama ni Harry Roque sa Europe?

HATAWANni Ed de Leon MAY ilang nagpadala sa amin ng messages ilang araw na at …

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

One comment

  1. Hi to every body, it’s my first pay a quick visit of this webpage; this web
    site includes awesome and actually fine material designed for visitors.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *