Thursday , July 7 2022
KASAMA ni Brian Poe Llamanzares ang mga tagasuporta ng kanyang inang si Sen. Grace Poe.

Brian Poe, nagpasalamat sa suporta ng FPJPM sa ina

NAGPASALAMAT si Brian Poe Llamanzares sa grupong Filipinos for Peace, Justice and Progress Movement (FPJPM) sa walang sawang suporta sa kanilang pamilya matapos iendoso ang kandidatura ng kanyang inang si Senadora Grace Poe na laging topnotcher sa mga survey.

Inendoso ng FPJPM, dating kilala bilang Fernando Poe Jr. for President Movement, ang reelection bid ni Poe kasama ang anim na iba pang kandidatong senador nitong Lunes sa Club Filipino sa San Juan City.

Ayon kay Brian, naaalala niya na noong 2012 ang FPJPM ang unang grupo na nagpahayag ng suporta sa kanyang ina nang una itong tumakbong senador at nagwaging topnotcher noong 2013.

“Ngayong 2019, nandito pa rin kayo at tumutulong dahil nanini­wala kayo na ang ser­bisyo ni Senadora Grace Poe ay tapat at tunay na serbisyo para sa mga tao na kailangan talaga ng tulong,” ani Brian na kumatawan sa kanyang ina na nagkampanya sa General Santos at Ko­ronadal.

“Wala siyang partido, hindi siya kasama sa administrasyon, hindi rin siya kasama sa opo­sisyon, kayo po ang kan­yang partido, ang taongbayan ang kanyang partido tulad ni FPJ noon,” sabi ni Brian sa grupong karamihan ay mga tagahanga ng kanyang yumaong lolo na si National Artist Fernando Poe Jr.

About hataw tabloid

Check Also

Ambeth Ocampo Ella Cruz

Pinoy historian umentra sa pasabog ni Ella

HATAWANni Ed de Leon ANG lakas ng tawa namin nang makita sa isang social media …

Tirso Cruz III Johnny Revilla Bongbong Marcos BBM

Tirso Cruz III bagong FDCP chair, Johnny Revilla sa MTRCB

UMAGA pa lang kahapon, July 5 umugong na ang balitang pinalitan na si Liza Dino Seguerra bilang Film …

Ops kontra sugal ikinasa 6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA Boy Palatino

Ops kontra sugal ikinasa
6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA

NASUKOL ng mga awtoridad ang anim na indibiduwal na sangkot sa ilegal na pagsusugal sa …

arrest, posas, fingerprints

Wanted sa murder
LIDER NG GUN-FOR-HIRE GROUP ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking wanted sa kasong murder at sinasabing lider ng …

dead gun

Convenience store nilooban
KAWATAN BULAGTA SA ENKUWENTRO, KASABWAT NAKAPUSLIT

NAPATAY ng mg aawtoridad matapos manlaban ang isang armadong lalaking pinaniniwalaang nanloob sa isang convenience …

Leave a Reply