Thursday , June 4 2026
Grace Poe
Grace Poe

Chinese workers huwag hayaang dumami sa PH — Grace Poe

MULING nagpahayag si Senadora Grace Poe ng labis na pagkabahala sa pagdami ng hindi dokumen­tadong Chinese na nagtatra­baho sa Filipinas dahil tila mawawalan ng trabaho ang mga Filipino.

Giit ni Poe, hindi dapat pumasok ng bansa ang mga nasabing dayuhan sa pagkukunwari bilang turista ngunit magtatrabaho naman pala.

Aniya, dapat mas ma­ging mahigpit ang Depart­ment of Labor and Employ­ment (DOLE) at Bureau of Immigration (BI) sa visa issuance.

Inihayag ni Poe, ilang Chinese ang gumagamit ng ilegal na pasaporte ng Filipinas para lamang maka­pagtrabaho sa bansa.

“Ayaw kong mga Filipino ang nawawalan ng trabaho at kailangang mangibang bansa pa sila,” pahayag ni Poe.

Nanawagan din si Poe na magsagawa ng masu­sing imbestigasyon sa loob ng mga ahensiya at bumisita sa mga lugar kung saan sila nagtatrabaho para masi­gurong may kaukulan silang­ doku­mento.

May natanggap na ulat si Poe na mga Chinese national ang magsisilbing construction workers at contractors sa rehabili­tasyon ng Marawi. Dapat aniyang mauna munang makinabang ang mga Filipino sa trabaho roon.

Ang pagdami ng Chinese nationals ay nagre­resulta rin sa paglobo ng presyo ng ari-arian tulad ng condominium kaya inili­naw ni Poe na maaaring ito ay dulot ng “superficial market conditions” dahil sa panga­ngailangan sa espa­syo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …