Thursday , June 4 2026

Faye Tangonan pawang rich and famous ang kasamang tumanggap ng award sa forbes best dress list (Beauty title holder at int’l recording artist)

Nasaksihan namin noong Tuesday, ang pagtanggap ng award ni Miss Universe International 2018 Faye Tangonan sa Forbes Best Dress List ng Lizaso House of Style na ginanap sa Main Lounge ng Manila Polo Club sa Makati.

In all fairness kahit petite ay pretty at sexy pala si Ms. Faye na nag-iilaw ang ganda sa suot na pabulosang gown na akma na maging isa sa Alab ng Puso awardee para sa “Ambassador of Style 2019.”

Isa sa napansin ko sa nasabing event, pawang rich and famous ang nasa loob ng venue at isa sa naroon ang dating actress na ngayon ay kilalang TV personality na si Ms. Marissa del Mar.

Going back to Ms. Faye, ang galing niyang rumampa nang ipakilala silang mga awardee sa stage.

Isa pa sa ikahahanga sa nasabing beauty title holder ay very articulate at may career din sa recording.

Yes, tulad ng kaibigan niyang actor-singer-composer na viral ang single na PAKO (Pangarap Ko) na si Lester Paul Recierdo na ipinag-produce niya ng CD lite album na pawang sariling compositions ang napa­paloob sa album ay magre-release rin ng kanyang Ilocano album si Ms. Faye. Interesado siya na magawan ng kanta ng ating hit maker na si Vhenee Saturno.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …