Thursday , June 4 2026

Angel Locsin, excited na sa seryeng The General’s Daughter

IPINAHAYAG ni Angel Locsin na excited na siya sa bagong TV series na The General’s Daughter na malapit nang mapanood sa ABS CBN.

Ayon sa Kapamilya aktres, naniniwala siyang mas genre niya talaga ang aksiyon kahit na raw noong nasa GMA-7 pa siya. “Kahit na noong nasa kabilang station pa ako, parang mas genre ko ang action talaga. Kaya ngayong ibinabalik, bumabalik… kaya I’m very excited,” sambit ng Kapamilya aktres.

Hindi ba delikado sa kanyang health ang pagsabak niya sa ilang action scenes dito?

Tugon ni Angel, “Sana naman po ay hindi, kasi okay na siya. Pero sa tingin ko ay hindi naman, they’re very ano naman, very careful sa mga ginagawa naman. And, naka-assist naman sila…”

Bilang paghahanda sa seryeng ito, sumailalim sa masusing training si Angel. Nabanggit pa ng aktres na hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang therapy niya, tatlong taon mula nang nagkaroon siya ng spinal injury.

Pahayag ni Angel, “They’re very careful sa mga ginagawa, naka-assist naman. After naman din ng ilang procedure, medyo okay naman ako. Ingat-ingat na lang din talaga. Hindi na po puwede na gaya ng dati, na ganoon kalikot. Ngayon, after ng mga ekse­na, ice pack, kasi may mga fight scenes din kami.”

Bilang ba­ha­gi ng kan­yang pag­ha­handa, binisita rin niya ang set ng kan­ilang taping sa Daet, Camarines Norte na mas nauna sa mga kasama niya at gumawa rin ng sarili niyang research para sa gagampanang role.

“Parang feeling ko naman ay hindi naman ako nagtrabaho kapag hindi ako gumawa ng reaserch o ng homework ko. So, kaya naman nagpunta ako sa mga kampo para mag-research, sa mga kilos… may kasama ako sa production. So rito, I’m a member ng nurse corps, so, isa akong sundalo pero manggagamot.”

Ang The General’s Daughter ay isang action-drama series mula sa Dreamscape Entertainment. Tampok din dito sina Albert Martinez, Paulo Avelino, JC de Vera, Arjo Atayde, Tirso Cruz III, Eula Valdez, Janice de Belen, Ryza Cenon, Ms. Maricel Soriano, at marami pang iba, sa pamamahala ni Direk Em­ma­nuel ‘Manny’ Palo.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …