Friday , June 26 2026

Ronnie, JBK, at Golden, nagpasaya sa DZBB, Brgy. LSFM Christmas party

 

NAGING espesyal ang taunang Christmas Party ng Kapuso radio (DZBB at Brgy. LSFM), RGMA, NewsTVsaDobolB last December 18 nang maghandog ng dalawang awitin si Mike Enriquez na sinuklian ng hiyawan at palakpakan mula sa mga taong naroon.

Nag-enjoy ang lahat sa games, surprises, at prizes at sa rami ng inumin, pagkain, at raffle. Naging espesyal na panauhin ang kauna-unahang Grand Winner ng The Clash na si Golden Canedo, kasama sina JBK, Ronnie Liang, Urban Flow, at Classy Girls.

Itinanghal namang Male K-Pop Idol si Luisito Santos ng DZBB at Female K Pop Idol si Maan Corpuz (Radio Monitoring). Nagbigay aliw din naman ang DZBB Hobbits na sina Mikko Sicat, Paolo Villegas, Glen Juego, Julie Ann Mae Cabrerra, JM De Guzman, at Carlo Dayto.

Ang radio, RGMA, at NewsTV sa Dobol B ay nagpapasalamat sa mga nag-issponsor tulad ng Eng. Nilda and Sir Bobby Tuazon ng CN Halimuyak Pilipinas, Sarah Javier, Lance Raymundo, Joel Cruz ng Aficionado Germany Perfume, Jojo Manto ng Royqueen, Albert and William ng UniSilver Time, Louie ng Erase Placenta atbp.. Hosted by DJ Papa JT, DJ Mama Emma, DJ Janna Chu Chu, at Tootie.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …