Friday , October 22 2021

Matapos aminin… ‘Tsongki’ ni Digong joke lang?

MATAPOS aminin na gumagamit siya ng marijuana upang manatiling gising sa nakaraang regional conference, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang kanyang ‘admission’ ay biro lamang.

“Plastic ang gamit ko. Plastic na marijuana,” pahayag ni Duterte sa mga mamamahayag.

Nang itanong kung siya ay nagbibiro lamang sa kanyang pag-amin sa paggamit ng marijuana, sinabi ni Duterte: “Of course, kayong media (talaga).”

Tinukoy ng pangulo ang kanyang pahayag sa conferment of awards sa mga opisyal ng Asean National Organizing Council sa Malacañang, na siya ay gumagamit ng marijuana upang mana­tiling gising sa gitna ng kanyang hectic schedule.

Paliwanag ni Duterte, kilala sa pagsasabi ng mga kontrobersiyal na pahayag, nais lamang niyang magpatawa sa gitna ng seryosong talakayan.

“I just want to shake the tree in a middle of a speech kasi boring ‘pag wala. Ako naman ma­pag­patawa talaga ako kasi boring kapag walang ano,” aniya.

“It was a joke, of course it was a joke. Pero nobody could stop me from just doing my style. Minsan sabi ninyo miso­gynist ako kasi magbiro ako ng gano’n, that’s my style it’s too late to change. If I want to joke, I will joke,” dagdag niya.

Nauna rito inihayag ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te na gumagamit siya ng marijuana upang ma­natiling aktibo sa nakapa­pagod na pakikipag­pulong sa mga lider ng ibang mga bansa.

“It’s a killing activity. And I think… my age, ako, hindi masyado, kasi nagma-marijuana ako e para magi­sing [me, not much because I use marijuana to keep awake],” ani Duterte nitong Lunes sa ginanap na “conferment of awards” sa mga opisyal at personnel ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) National Organizing Council.

Hindi malinaw noong una kung siya ay nagbi­biro o hindi. Ngunit mari­rinig na nagtawanan ang mga tao nang sabihin ni Duterte na gumagamit siya ng marijuana.

Idinaraing ni Duterte ang mahigpit na sche­dules sa nakaraang mga pagpupulong, katulad ng kanyang pagbisita sa Thailand, India at Papua New Guinea.

“Hindi talaga kaya, no’ng ako rito. I just never, I remember I just came in from nowhere, then kina­bu­kasan umpisa na. I think I was in India. Susmar­yosep, walang tulog. And the more the crescendo becomes faster, mas lalong hindi ka nakakatulog kasi nga hinahabol ka ng baba­sahin,” pahayag ni Duter­te.

Ayon kay Duterte, tanging ang mahahalaga at “most urgent, most immediate” ang dapat talakayin sa summits, habang ang ibang bagay ay dapat iwanan na la­mang sa technical working group o sa “lower eche­lons.”

Ang pangulo ay kilala sa kanyang matigas na paninindigan laban sa droga at naglunsad ng madugong giyera laban dito, nagresulta sa pagkamatay nang halos 5,000 drug suspect kaya binatikos siya ng human rights group.

Noong Mayo, sinabi ni noo’y Presidential Spokes­­person Harry Roque, na si Duterte ay tutol sa legalisasyon ng medical marijuana.

Ang pag-iingat at paggamit ng marijuana ay ilegal sa Filipinas at maaaring makulong nang habambuhay at papa­tawan ng P10 milyong multa.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Blind Item, Woman, man, gay

BF ni sikat na aktres boylet din ni batang matinee idol

ANO kaya ang sasabihin ng magaling at sikat na aktres kung makakarating sa kanya ang tsismis …

Aiko Best Supporting Actress sa 34th Star Awards for TV

Aiko Best Supporting Actress sa 34th Star Awards for TV

MA at PAni Rommel Placente ITINANGHAL na Best Supporting Actress si Aiko Melendez para sa mahusay niyang …

‘Party drugs’ distributor sa Bulacan, atbp., timbog sa Marikina

NAKOMPISKA ang may 103 piraso ng ‘ ecstasy ’ na tinatayang nagkakahalaga ng P185,400 mula …

Chest X-Ray

Mga empleyado ng Kapitolyo, PDLs sa Tanglaw sumailalim sa libreng TB screening, chest x-ray

SA LAYUNING mahanap ang mga may aktibong Tuberculosis (TB), maipalaganap ang kaalaman, at mabawasan ang …

6K paniki nasabat sa 4 lalaki (Sa San Miguel, Bulacan)

Sa San Miguel, Bulacan
6K PANIKI NASABAT SA 4 LALAKI

INARESTO ng pulisya ang apat na lalaking nahulihan ng mahigit 6,000 wrinkle-lipped bats o paniki …

Leave a Reply