Sunday , May 19 2024

Famale anchor, imbyerna kay male partner

AAKALAIN n‘yo bang may bangayan palang ganap off-air sa magka-tandem na itey sa isang teleradyo?

Tsika ng aming source, imbiyerna raw ang female anchor sa male partner niya, ”Naku, sa araw-araw na lang na ginawa ni Lord, eh, walang time na hindi sila nagsisinghalang dalawa.”

Kine-claim kasi ng girlash na hindi raw lagi o handa ang kanyang partner bago sila sumalang sa programa, samantalang siya raw ay always prepared.

“Bago kasi sila umere, ‘yung girl, eh, nakapagbasa na ng lahat ng mga diyaryo sa araw na ‘yon kaya imposibleng mangapa siya sa mga ibinabalita nila. Himutok naman ng lola mo, papetiks-petiks lang daw ang ka-tandem niya,” sey pa ng aming katsika.

Mabilis naman itong kinontra ng taong bilib sa male partner niya, ”Hoy, for the record, sino ba sa kanilang dalawa ang berdaderong broadcast journalist, hindi ba’t ‘yung guy? Magtigil nga sa pag-iilusyon ang babaeng ‘yon!”

Da who ang dalawang bida sa kuwentong ito? Itago na lang natin sila sa alyas na Amita Ontoko at Abner Catapa.

(Ronnie Carrasco III)

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *