Thursday , June 4 2026
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Koko hindi na nga ba puwedeng tumakbo sa 2019 midterm elections?

KUNG makatatsamba sa pagkakataong ito si Attorney Ferdinand Topacio, aba malamang hindi na nga puwedeng tumakbo si Senator Koko Pimentel sa 2019 midterm elections.

Naghain si Atty. Topac ng disqualification case laban kay Koko dahil napagsilbihan na umano ng huli ang kanyang ‘second and maximum allowed consecutive term.’

Matatandaan na noong 2007 elections, napatanggal ni Pimentel si Juan Miguel Zubiri para sa 12th and last Senate spot.

Sa protesta ni Pimentel, sinabi niyang ang panalo ni Zubiri ay dahil sa ‘wholesale cheating’ ng kanyang partidong United Nationalist Alliance.

Noong 2011, nagdesisyon ang Senate Electoral Tribunal (SET) pabor sa protesta ni Pimentel, kaya pinayagan siyang tapusin ang natitirang dalawang taon sa termino ni Zubiri.

Ayon kay Topacio ang buong term ni Zubiri ay para kay Pimentel dahil iyong ang idineklara ng SET, siya ang ika-12 Senador nang eleksiyon na iyon.

Ayon kay Topacio sa isang interview, “Noong sinabi ng electoral tribunal na annulled ang proclamation ni Zubiri, ibig sabihin retroactive ‘yun. Ang talagang nahalal for that term is si Sen. Pimentel at hindi si Sen. Zubiri.”

E paano pala ‘yan?!

Hindi ba’t si Koko, ang tumatayo ngayong presidente ng PDP Laban?

Paano na ang laban ng PDP Laban kung ang presidente nila ay diskalipikadong tumako sa 2019 midterm elections?!

Ang sabi naman ni Senator Koko, puwede pa raw siyang tumakbo sa eleksiyon sa May 2019 dahil hindi niya natapos ang first term niya bilang senador.

“We are very sure with our legal theory,” ‘yan ang sabi ni Pimentel nang maghain siya ng certificate of candidacy (COC) noong nakaraang linggo.

‘Yan din mismo ang pinasasagot ng Com­mission on Elections (Comelec) kay Koko ngayon.

Kalipikadong ba siyang talaga?!

Pagkatapos umano ay posibleng magharap din sina Koko at Topacio para sa posibleng oral arguments bago mag­desisyon ang en banc.

Pero hindi ito dito matatapos, dahil kapag nabigo umano si Topac, iaakyat pa niya ito sa Supreme Court.

Mukhang kumakarera si Atty. Ferdie at gustong pagpraktisan ang kaso ng kanyang kompadre?!

Ganoon ba ‘yun Atty. Topacio?! Ibang-iba ka talaga!

Tiyak na maraming apisyonado ang hindi bibitiw sa argumentong ito.

Sana’y mapanood natin ang oral arguments nina Se­nator Koko at Atty. Topacio. Tingnan natin kung mata­tapatan ni Topacio ang tikas ng kanyang kompadre.

Abangan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …