Thursday , March 30 2023

Deputy Director Eric Distor action man ng NBI!

PINAIIMBESTIGAHAN ni NBI Deputy Director Eric Distor, CPA, ang nangyaring pagsunog sa COMELEC Cotabato na may kaugnayan sa mga terroristang Abu Sayyaf.

Inatasan agad ni Distor ang buong intel sa NBI upang bantayan mabuti ang mga bombing sa Mindanao na ikinasawi ng maraming sibilyan.

Inalerto niya lahat ang NBI operatives na lalo pang pagbutihin ang intel gathering sa Mindanao.

Kasama rin sa iniimbestigahan ang NCCC Mall of Davao sa Ma-a, Davao City na nasunog kasama ang Bureau of Fire Protection, Department of Justice at Department of Interior and Local Government noong 2017.

Sa ngayon, abala siya sa pag-iimbestiga sa shabu na nakapuslit umano sa BOC.

Kanyang ipinasu-subpoena lahat nang may kinalaman sa kaso at mangalap pa ng ebidensiya para matulungan din ang PDEA at BOC upang  mapadali ang pagresolba sa kaso.

Ayon kay Deputy Distor inatasan siya ng Palasyo na maresolba agad ang kaso.

Sa ngayon ay patuloy ang lifestyle check nila sa mga tiwaling tauhan ng gobyerno sa BIR, DPWH, BI, BoC at iba pang corrupt agencies ng gobyerno.

Bilang Ombudsman din ng NBI, marami na rin siyang pinakasuhan na tiwaling NBI agent.

Sa nalalapit na anniversary ng NBI ay marami na namang preparation ang gagawin dahil isa siya sa inatasan ni Director Gierran na mag-prepare ng planning dahil bihasa rin siya rito.

Congrats sa iyo Deputy Eric Distor, pride ka talaga ng Davao!

God bless us all!

PAREHAS
ni Jimmy Salgado

About Jimmy Salgado

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Katarungan, pangako ni QC Mayor Joy para kay TE Antolin

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKALULUNGKOT ang nangyari nitong nakaraang linggo sa isang traffic enforcer ng …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Magic trick sa asukal

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BATAY sa pinakahuling imbentaryo ng mga kaso na inilabas …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Lumiliit na ang mundo para kay Arnie

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INIIMBESTIGAHAN si Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves matapos …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Nasaan na ang magagaling  na mambabatas?

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGAMAT hindi sinasadya o walang may kagustuhan sa nangyaring pagtatapon ng …

Dragon Lady Amor Virata

Transport strike tinabla dahil sa magugutom na pamilya

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HINDI naparalisa at nabigong makakuha ng malaking suporta ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *