Thursday , December 8 2022

Jennylyn, muling itinanggi, hindi siya buntis!

HINDI buntis si Jennylyn Mercado! Pinabulaanan ito mismo ng aktres.

“Pang-ilang tsika na ba ‘yan?

“Kasi parang sampung beses na akong nabuntis pero isa pa lang ‘yung anak ko,” ang tumatawang reaksiyon pa ni Jennylyn sa tsismis.

“Hindi ko alam kung saan nanggaling ‘yan.”

At ang payat niya kaya paano niya itatago ang pagbu­buntis niya.

“Iyon nga, imposible nga, eh. Iyon nga ‘yung…at saka… imposible po eh, wala, hindi po.”

Pero hindi naman siguro imposble kung sakali dahil matagal na rin naman ang relasyon nila ni Dennis Trillo.

“Im­p­osible po talaga, maniwala kayo. Maniwala kayo,” giit ng Kapuso actress.

Ayon pa sa aktres, may monthly period siya habang kausap namin sa taping ng The Cure ng GMA sa San Jose del Monte sa Bulacan Biyernes ng hapon, July 13.

“Kaya hindi talaga! Sabi ko nga, ‘Paano nangyari ‘yun na buntis ako?’

“Sabi ko, ‘Ano ang nangyayari, bakit may ganoon? Saan nanggaling?’

“Hindi ko rin talaga alam.”

Alam naman kasi ng lahat na masaya sila ni Dennis sa relasyon nila.

“Ganoon ba ‘yun, buntis agad?”

Hindi naman “agad” dahil matagal na rin naman ang relasyon nila ni Dennis.

“Hindi pero siyempre uulitin ko ba ‘yung,… ‘di ba? Hindi na.”

So kasal muna bago siya magbuntis?

“Dapat sa tamang paraan na, ‘di ba?

“At saka mukha ba akong buntis? Mukha ba akong buntis?

“Sayang nga, eh.”

So nanghinayang siya na hindi siya buntis; gusto na niya?

“Hindi pa, hindi pa,” at tumawa muli ang Kapuso actress.

Marami naman ang natutuwa kung sakaling buntis siya dahil pabor naman ang karamihan sa relasyon nila ni Dennis.

“’Di bale, darating ‘yun. Darating din ‘yung tamang panahon.”

Gusto niya kapag nagkaanak siya ay sa “tamang paraan” na hindi siya kasal noong nabuntis at nanganak siya kay Alex Jazz sa karelasyon niya noong  si Patrick Garcia.

“Kasi ‘di ba, uulitin ko ba ‘yung pagkakamali ko noon?

“Hindi naman pagkakamali, hindi naman siya pagkakamali,” ang mabilis na bawi ni Jen, ”kumbaga ayoko lang niyong ganoong paraaan kasi si Jazz blessing naman kaya happy ako na dumating siya sa buhay ko.”

Ten years old na si Jazz sa Agosto.

Gusto niya na kapag nasundan si Jazz ay planado na at hindi biglaan.

“Opo.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Paolo Contis Yen Santos Lolit Solis

Relasyon nina Paolo at Yen ibinuking ni Lolit 

I-FLEXni Jun Nardo TULUYAN nang ibinisto ni Manay Lolit Solis na ang aktres na si Yen Santos ang lucky …

Blind Item, Mystery Man, male star

Designer nagbabala baho ni male starlet ibubunyag

ni Ed de Leon MATAPOS na mapadalhan  ng “supposed to be pamasahe” niya papunta sa …

Vhong Navarro Arrest NBI

P1-M piyansa pinayagan
VHONG PANSAMANTALANG MAKALALAYA

HATAWANni Ed de Leon MABILIS na kumilos ang legal team ni Vhong Navarro para maihanda ang itinakdang …

Matet de Leon

Matet tinapos relasyon sa ina at pamilya

HATAWANni Ed de Leon NAUUNAWAAN namin at alam naming masamang-masama ang loob ni Matet sa kanyang sinasabing …

Vhong Navarro

P1-M piyansa ni Vhong pinayagan ng korte

PINAHINTULUTANG makapaglagak ng piyansa ang aktor at TV host na si Vhong Navarro para sa …

Leave a Reply