Comeback movie ni Kris Aquino sa Star Cinema with JoshLia love team nangangamoy blockbuster

NEXT month na ang playdate ng “I Love You Hater” na comeback movie ni Kris Aquino sa Star Cinema kasama ang JoshLia loveteam nina Julia Barreto at Joshua Garcia na idinirek ng ba­guhang director na si Giselle Andres. Kung ibabase sa trailer ng movie ang magiging kapalaran sa takilya ay si­guradong pa­patok ito kasi maganda ‘yung project at very enter­taining.

Very true-to-life ang character ni Kris sa I Love You Hater na pinagkakagulohan sa social media at first time namang gaganap na bading itong si Joshua na  kahit na nag-disguise lang para matanggap na assistant ni Kris ay very convincing ang pagkakaganap ng Kapamilya young actor.

Super beautiful ang dating ni Julia sa movie at matindi talaga ang chemistry nila ng kalabtim na si Joshua kaya sila click sa movies.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma