Thursday , June 4 2026

Buhay ni Mandirigma, nasa libro na!

SA Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo na sa Philippine Marines Corps (PMC), matunog ang pangalang “Mandirigma.” Siya si retired Philippine Marine Major General Alexander Ferrer Balutan, miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Matikas” Class 1983.

Dahil sa “bata-bata system” sa AFP, Department of National Defense (DND) hang­gang sa Palasyo ng Malacanang ng nakaraang administrasyon, pinagkaitan ng promosyon si Mandirigma bilang PMC commandant. Dahil kulang na siya sa panahon, pagsalpak ng Duterte administration ay napansin ang “pinulitikang promosyon” ni Mandirigma kaya itinalaga siya bilang Vice Commander ng Philippine Navy, kaya naka-two-star din siya. Puwede rin sana niyang makuha ang two-star hanggang three-star (lieutenant general) noong siya ay nasa Eastern Mindanao Command (Eastmincom) dahil naging deputy area commander siya doon pamatay talaga sa meri­torious pro­motion ang “bata-bata system” sa serbisyo.

Hindi siya nagtagal bilang Navy Vice Com­mander dahil pinakiusapan siya noong 2016 ni Pa­ngulong Rod­rigo Duterte na magretiro ng maaga sa serbisyo u­pang pa­mu­nuan ang Bu­reau of Cor­rections (BuCor) na pinamu­mu­garan ng iligal na droga, katiwalian at korapsyon. Pero hindi natuloy ang pag-upo ni Mandirigma sa naturang ahensiya.

Ang sabi ni Duterte, mas kailangan niya ng isang “berdugo” upang pamunuan ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), isa pang ahensiya ng gobyerno, na ayon sa Pangulo ay talamak din ang katiwalian at korapsyon. Noong 13 Setyembre 2016, umupo si Mandirigma sa PCSO, general na manager pa!

Kayo na ang humusga kay Mandirigma kung nasaan na ngayon ang PCSO sa usapin ng pa­mumuno at pagbabago.

Marami ang napa-wow at humanga sa pagkatao ni Mandirigma dahil pati itong manunulat na si Mauro Gia Samonte ay nagkainteres na pakialaman at isapluma ang buhay ng heneral.

Eto na nga, talagang trinabaho ni Samonte ang librong kanyang pinamagatang “MANDI­RIGMA…In War Time And In Peace,” isang 116-pahinang libro. Mabibili ng P250 bawat kopya at balita ko ay naka-display na rin ito sa piling bookstore sa Metro Manila.

Sa 14 Hunyo, 1:00 ng hapon, pormal na ilalabas ang libro (book launch) sa Dimalupig Hall, AFP Commissioned Officers Club (AFPCOC) sa AFP General Headquarters, Camp Aguinaldo, Quezon City. Lahat ng kasamahan natin sa media, lalo na ang Defense Press Corps (DPC), ay welcome sa book launch.

Ngayon pa lamang ay may ilang batikang director na sa sining at pelikula ang nababa­litang nagkakainteres sa talambuhay ni Man­dirigma.

See you all sa book launch ni Mandirigma!

BAGO ‘TO!
ni Florante Solmerin

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Florante Solmerin

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …