Saturday , July 27 2024

Federalismo, isusulong pa rin ni Sen. Koko

NAGING maginoo si dating Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III sa reorganisasyon ng liderato sa Senado matapos niyang i-nominate si Senador Vicente Tito Sotto III bilang bagong Senate President na epektibo nitong Mayo 21, 2018.

Idiniin ni Pimentel na isang malaking karangalan na maglingkod siya bilang Senate President, isang posisyon na naunang hinawakan ng kanyang ama na si dating Senador Aquilino “Nene” Pimentel Jr., noong Nobyembre 2000 hanggang Hunyo 2001.

Ayon sa pahayag ni Koko: “Isang karangalan at pribilehiyo na maglingkod sa Senado bilang Presidente nito, isang posisyon na hinawakan na rin dati ng aking ama. Pinaglingkuran niya ang Senado kalakip ang dignidad, nanatiling tapat sa kanyang prinsipyo at palaging inuuna ang interes ng bayan bago ang sa kanya at ito ang halimbawa na sadyang sinikap kong gayahin sa panahon nang pamunuan ko naman ang Senado.

“Nang maging abogado ako, ipinaalala ng aking ama ang mga kataga ni dating Justice JBL Reyes, mga katagang nagbigay inspirasyon sa lahat ng mga kasama sa propesyon at naki­paglaban noon sa Batas Militar: Wa­lang pa­nginoon kung hindi ang batas, walang gabay kung hindi ang konsensiya, walang layunin kung hindi ang katarungan.

“Nanungkulan ako bilang Senate President at nabig­yan ng inspi­ra­syon ng mga salita ni Justice JBL Reyes at gina­ba­yan ng mga prin­sipyo at ak­siyon ni Sena­dor Ne­ne Pi­men­tel. Bababa ako na batid kong sini­kap kong mabuti upang tuparin ang tungkuling ito.

“Kailangan ng tulong ang pagkilos tungo sa Federalismo. Hindi lamang adbokasiya ng PDP LABAN ang Fede­ra­lismo kung hindi isa rin itong personal na kahilingan. Kung gayon, kailangan ko ng tulong para maisa-katuparan ang Federalismo sa akin mismong personal na panahon.”

Malinaw ang mithiin ni Pimentel na pa­ngungunahan ang PDP Laban sa nalalapit na midterm elections sa taong 2019. Asahang sa nasabing halalan ay muling magwawagi si Pimentel para maisulong ang Federalismo sa ating bansa.

ABOT-SIPAT
ni Ariel Dim Borlongan

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pacquiao at Lapid ‘basurang’ kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio DAPAT pag-isipang mabuti ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kung nararapat bang …

Dragon Lady Amor Virata

Mag-asawa for mayor sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ni Parañaque City Cong. Edwin Olivarez, ang utol …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paghihintay sa SONA

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INAASAHANG nakatutok ang mata ng lahat sa Presidente sa …

Dragon Lady Amor Virata

Daming fake news sa socmed mga apektado kawawa naman

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SIYENTO PORSIYENTONG lumilitaw na ang social media ay ‘marites’ …

Sipat Mat Vicencio

Manalo kaya si Digong sa 2025 elections?

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI ang marami kung inaakalang tuluyang makalulusot si dating Pangulong Rodrigo “Digong” …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *