Tuesday , September 27 2022

Michael, nakakasama na ang anak

KUNG dati-rati ay hindi in good terms ang Kapamilya actress at member ng Girltrends ng It’s Showtime na si Erin Ocampo sa ama ng kanyang anak na si Michael Pangilinan, ngayon ay okey na okey na sila.

Kahit nga wala silang set-up ukol sa financial na support ni Michael sa kanilang anak, maaasahan naman ito sa mga ibang kailangan ng  anak tulad ng gatas at diaper.

Hindi inuubliga ni Erin si Michael pagdating sa financial dahil may trabaho naman siya at kaya naman niyang tustusan sa ngayon ang mga kailangan ng kanilang anak.

Nag usap na rin sila sa araw na puwedeng makasama ni Michael ang kanilang anak para ipasyal at ihatid sa eskuwelahan.

Okey nga ang set-up nila bilang magkatulong sa pagpapalaki sa kanilang anak at hangang doon na lang ‘yun, lalo na’t pareho na silang may kanya-kanyang karelasyon at happy ang lovelife.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Tanya emosyonal — Bumabawi si Vhong sa akin

I-FLEXni Jun Nardo MALIGAYA nang nagsasama ang aktor na si Vhong Navarro at asawang si Tanya Bautista-Navarro nang muling …

Blind Item, excited man

Male starlet marami ang natatanso kahit buking ang pagiging beki

ni Ed de Leon “BAKLA naman po siya talaga, pero marami ngang natanso dahil pogi …

Vhong Navarro Deniece Cornejo

Vhong aapela hanggang SC; Deniece magpapakatatag

HATAWANni Ed de Leon HANGGANG Korte Suprema ay nakahandang umapela ang legal team ni Vhong Navarro kung …

Ryza Cenon

Ryza tinalakan ang Maynilad (Water bill umabot ngP120k) 

MATABILni John Fontanilla SUPER shock si Ryza Cenon nang bumulaga sa kanya ang bill niya sa tubig …

Vhong Navarro Atty Alma Mallonga

Abogado ni Vhong nanindigan: ‘Di totoo ang bintang na rape

MA at PAni Rommel Placente SA panayam pa rin ng PEP.ph sa legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. …

Leave a Reply