Wednesday , October 5 2022

Daan-daang pamilya pinalalayas sa Boracay wetland

MALAY, Aklan – Daan-daang pamilya na halos dalawang dekada nang nakatira sa Boracay wetland, ang pinaaalis dahil sa ipinatutupad na rehabilitasyon ng gobyerno sa isla.

Ang Cagban Bubon, na kinatitirikahan ng bahay ng daan-daang pamilya, ay tinukoy ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) bilang wetland, na mahalaga sa pagpigil sa pagbaha.

Ang mga residente sa nasabing wetland ay bi-nigyan ng abiso para bakantehin ang lugar. Mayroon na lamang silang i-lang araw bago sila pu-wersahing paalisin sa kanilang bahay.

Sa ngayon, umaapela sila sa gobyerno na pagkalooban sila ng resettlement area na kung maaari ay sa Caticlan upang maipagpatuloy ang kanilang pinagkakakitaan.  Anila, wala silang ibang lugar na maaaring patunguhan.

Sinabi ng mga residente, wala silang sapat na kaalaman hinggil sa wetland at sa layunin nito, at inihayag ng kanilang mga ninuno na maaari silang magtirik ng kanilang bahay sa Cagban Bubon.

Ayon sa DENR, ang Boracay ay may 16 forest lands at siyam wetlands, ngunit karamihan sa mga eryang ito ay inokupahan ng business establishments o illegal settlers.

Samantala, patuloy ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa paggiba sa mga establisiyemento sa main road ng Boracay. Ang mga puno at iba pang sagabal ay inalis para sa road widening project.

Ang 6-month closure ng Boracay ay nagsimula noong 26 Abril para big-yang-daan ang rehabilitasyon ng isla.

About hataw tabloid

Check Also

arrest posas

2 manggagantso timbog sa bitag

HINDI na nakapalag ang dalawang indibiduwal na kapwa mga residente sa Cavite nang arestohin ng …

100422 Hataw Frontpage

Binangga ng SUV saka pinagbabaril riding-in tandem sa Las Piñas
BETERANONG BRODKASTER, KOLUMNISTA ITINUMBA

ni MANNY ALCALA PINAGBABARIL hanggang mapatay ang isang beteranong hard-hitting broadcaster at kolumnista sa diyaryo …

Ika-33 taon ng kooperatiba sa Bulacan ipinagdiwang

Ika-33 taon ng kooperatiba sa Bulacan ipinagdiwang

SA layuning pagkaisahin at isulong ang lahat ng mga koopertiba sa buong lalawigan, sinimulan ng …

Bulacan Recuers Luksang Parangal

Pagkilala at pinansiyal na suporta bumuhos sa limang rescuers na nasawi sa Bulacan

BUMUHOS ang mga pagkilala at pinansiyal na suporta para sa mga bayaning tagapagligtas sa ginanap …

Sta maria Bulacan Police PNP

Pusher na 67-anyos na lolo, kinalawit sa ibibiyaheng ‘bato’

KAHIT malapit ng lubugan ng araw ay nagagawa pa ng isang lolo na gumawa ng …

Leave a Reply