Monday , June 24 2024

Dennis, bestfriend kung ituring si Calyx

LAHAT ng hilingin ng anak niyang si Calyx, ibinibigay ni Dennis Trillo.

“Wala akong matandaan na hiningi niya na hindi ko ibinigay,” at tumawa ang Kapuso hunk.

Hindi naman materialistic ang anak niya.

“Hindi naman pero ‘pag may nagustuhan siya, minsan may kailangan siyang patunayan muna, ‘pag nag-excel siya sa school.”

Hindi masyadong istriktong ama si Dennis.

“Pero kinakausap ko siya, hindi parang bata ‘yung kausap, parang mature rin ‘yung kausap, parang isang mature na tao ‘yung kausap ko.

“Para mas nae-explain ko sa kanya, para mas maaga pa lang, naiintindihan na niya.”

Hindi lang anak, bestfriend ang turing niya kay Calyx.

“Mas maganda ‘yung ganoong relasyon eh, ‘yung wala siyang itinatago, sinasabi niya kung ano ‘yung mga kailangan niya, kung ano ‘yung problema niya, kung ano ‘yung gusto niyang mangyari sa buhay niya.”

Kapag may pagkakamaling nagawa si Calyx.

“Siyempre kailangan mong i-explain kung ano ‘yung pagkakamali na nagawa niya and kung bakit hindi niya dapat ulitin ‘yun.”

Sa salita niya dinidisiplina si Calyx, hindi niya ito pinapalo.

“Ayoko siya na matakot sa akin, gusto ko may respeto pero respeto ‘yun dahil naiintindihan ko siya hindi dahil natatakot siya sa akin,” seryosong sinabi pa ni Dennis na male lead star ng The One That Got Away ng GMA.

About Rommel Gonzales

Check Also

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

Diwata

Diwata walang kiyemeng kumain ng tsiken habang sumasagala 

MATABILni John Fontanilla HINDI na nga maitatago pa ang kasikatan ng social media viral pares …

Ogie Diaz Mama Loi Bea Alonzo

Ogie naghain ng counter-affidavit, Mama Loi perjury case vs Bea Alonzo

MA at PAni Rommel Placente KASAMA ang kanilang abogadong si Atty. Regie Tongol, humarap sina Ogie Diaz, …

Vilma Santos Carlo Aquino Charlie Dizon

Ate Vi bumawi sa mga inaanak na sina Carlo at Charlie

MA at PAni Rommel Placente ISA ang tinaguriang Star For All Seasons na si Vilma Santos sa …

Child Haus Ricky Reyes

TEAM Gift Giving & Feeding project sa Child Haus matagumpay Advocacy ni Ricky Reyes pagtulong  sa mga batang may cancer

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang pag-welcome ni Mader Ricky Reyes sa mga kasapi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *