Tuesday , June 25 2024

Anne Curtis, Boy Abunda, Martin Nievera, Jericho Rosales, at iba pa, Kapamilya pa rin!

BAHAGI pa rin ng Kapamilya Network ang 10 dekalibreng artista, singer, at TV host nang muli silang pumirma ng kontrata sa Kapamilya Network kamakailan.

Ang 10 ay pinangungunahan ng King of Talk na si Boy Abunda na patuloy na magsisilbing host ng mga programang The BottomlineTonight With Boy Abunda, at Inside the Cinema. Kasama rin dito si Martin Nievera na bukod sa pagiging mainstay sa noontime variety show na ASAP ang singer at songwriter na si Martin Nievera ay nakatakdang magkaroon ng talk show sa ANC.

Ang showbiz sweetheart na si Anne Curtis ay patuloy na magho-host ng daily noontime show na It’s Showtime. Samantala, ang mga host at momshies na sina Melai Cantiveros at Karla Estrada ay patuloy na magpapalaganap ng good vibes sa umaga sa Magandang Buhay.

Ang mga nagguguwapohang aktor na sina Jericho Rosales, Jake Cuenca, at Zanjoe Marudo naman ay patuloy na ipapamalas ang kanilang galing sa pag-arte sa kani-kanilang mga proyekto. Nakatakdang bumida si Jericho sa soap opera na ipapakita ang realidad sa likod ng buhay mag-asawa. Kasama ni Jake ang mga aktres na sina Bea Alonzo at Charo Santos sa horror film na Eerie. Samantala, abala si Zanjoe sa malapit nang umereng teleserye na pampamilya na Play House.

Sina Janella Salvador at Yam Concepcion ang kumompleto sa listahan ng mga muling nagpirmahan ng kontrata sa ABS-CBN. Abangan ang dalawa sa kani-kanilang mga proyekto. Mainit ang pagtanggap ng ABS-CBN kay Ryza Cenon na dating nagwagi sa isang reality talent competition, sa kanyang paglipat sa Kapamilya network. Lalabas si Ryza sa Dreamscape teleserye na The General’s Daughter.

Ang lahat ay pumirma ng dalawang taong kontrata sa ABS-CBN. Dumalo sa pirmahan ng kontrata sina ABS-CBN president at chief executive officer Carlo Katigbak, chief operating officer ng Broadcast Cory Vidanes, head ng Finance para sa Broadcast at News & Current Affairs Cat Lopez, at head ng TV Production Laurenti Dyogi.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Poging BL Star nalaglagan ng poppers at lubricant habang pinagkakaguluhan ng mga faney

ni Ed de Leon IYON namang isang Poging BL Star, nagbakasyon yata sa abroad. Nasalubong siya roon …

Blind Item, Men

Young Male Star madalas sa orgynuman, fave imbitahan sa secret gay parties

ni Ed de Leon NAALALA tuloy namin ang isang tsismis pang narinig namin, iyong si Young …

Ronnie Liang Harry Roque AR dela Serna

Ronnie Liang nadamay lang sa usaping Harry at AR

HINDI naman daw date ang nakita sa video na magkasama sina Ronnie Liang at Harry Roque. Iyon pala …

KDLex KD Estrada Alexa Ilacad

KDLex marami pang proyektong kaabang-abang

HOTTEST Musical Pair ang taguri ngayon kina KD Estrada at Alexa Ilacad o mas kilala sa kanilang tambalang KDLex. Mula …

Kathryn Bernardo Barbie Forteza David Licauco

Barbie sa pagkokompara kay Kathryn—big honor for me, sana makatrabaho ko siya

GRABE pala ang paghanga ni David Licauco kay Kathryn Bernardo. Maging si Barbie Forteza ay wish nitong makatrabaho ang Box-Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *