Tuesday , June 25 2024
Neal Tan
IPINAHAYAG ng 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach na ang next biggest dream na gusto niyang ma-achieve ay ma-peneterate ang international market bilang aktres. After ng showbiz career mo sa bansa, ano ang next na gusto mong ma-achieve? Sagot ni Pia, “Siyempre, international na. Iyon iyong next na goal and I think, lahat naman ng ginagawa ko is helping lead to that. People might not see it right now, but I’m gaining experience with every project that I’m doing here. Kahit na sabihing dito sa Filipinas iyan, experience pa rin iyan na madadala ko sa mga gusto kong i-pursue in the future. “So hopefully after kong… parang I’ll focus on this first. I still feel that there are a few more things that I’d like to do and a few more things that I’d like to try here. But, hindi ko pa naman nakakalimutan that other big dream that I have, ‘yung international (market).” Sinabi rin ng 28-year-old beauty queen/actress na dream niya ang maging isa sa babae sa James Bond movie. “Hindi pa rin nawawala ‘yung Bond girl, nakabantay nga ako roon, e, nakabantay ako sa Bond girl kasi alam kong may lalabas na bago. And they’re really trying to experiment already with the casts, so it’s really different this time. And even sina Esther (Swan), Miss Universe, IMG, they all know that I really want something like that. If not that, something like that. So we’ll see, we’ll see what we can do. Maybe for now we can work on… busy kasi ako rito, dapat ay nandoon ako. “Like for example, we’ll start first with Music Videos. Alam mo ‘yun, leading lady sa music video? Then we slowly work our way up. But, it’s still at the back of my mind. I just can’t jump into it without being prepared,” saad ni Pia. Anyway, si Pia ang bagong leading lady ni Gerald Anderson sa pelikulang My Perfect You - ang pinakamainit at pinakamala-king romantic movie ng season mula Star Cinema. Sa direksiyon ng rom-com queen na si Cathy Garcia-Molina, ang My Perfect You ay istorya ng isang imperfect na lalaki na naglalayong hilumin ang kanyang sugatang puso matapos niyang makilala ang perpektong babae na maaaring gumamot sa kanyang nagdurugong puso.

Direk Neal Tan, proud sa advocacy film na Men In Uniform

MARAMI pang dream projects ang masipag na director na si Neal Tan, kabilang dito ang mai-direk ang mga premyadong aktres na sina Ms Nora Aunor at Ms. Vilma Santos. Pero sa ngayon, isa sa pelikulang masa-sabi niyang proud siya ang katatapos lang niyang ga­win na pinamagatang  Men In Uniform.

“Ito ay isang advocacy film na tinatampukan nina Alfred Vargas, Jeric Rabal, Rommel Padilla, Empress Schuck, at Rayver Cruz,” paha-yag ni Direk Neal.

Idinagdag pa niyang natutuwa siya dahil maayos ang shooting nila ng naturang pelikula. “Very cooperative lahat dito, ang genre nito ay action/drama/documentary. Ang story and screenplay ko ito. Men In Uniform is a project of PCRG (Police Community Relations Group-PNP) produced ng Bagsay Lahi batch ng PNPA headed by Leonora Sy.

“Kuwento ito ng five police who dedicated their lives in the call of duty. The purpose of this film is to encourage the people in bringing back the trust in the PNP. The act of bravery of these police officers displayed the extraordinary courage and professionalism in a circumstance of peril and exemplary performance beyond the call of duty is worthy of emulation among their fellow officers in the police service and to uplift the image of the Philippine National Police (PNP).

Nasabi rin niya ang na-raramdamang satisfaction sa paggawa ng pelikulang tulad nito. ”Ibang satisfaction ang gumawa ng isang advocacy film, ‘di ka na magwo-worry kung kikita o hindi, dahil advocacy nga, lalo na at may sariling market ito. Mostly kasi, hindi para kumita ang main purpose ng producer kung hindi maglahad ng mensahe.

“Bale secondary na lang siguro ang kumita o bumalik man lang ang puhunan.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Zara Lopez Reece Sapphire

Zara Lopez sa kabila ng mga pagsubok may matibay pananalig sa Diyos, nakatutok sa mga anak na sina Reece at Sapphire

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KAHIT dumating man ang maraming pagsubok at dagok sa buhay, …

BGYO

BGYO nagsampa cyberlibel at unjust vexation vs mga indibidwal na nagpapakalat ng fake news

MA at PAni Rommel Placente HINDI na nakapagpigil, nagsampa ng kasong cyberlibel at unjust vexation …

Gary Estrada Dina Bonnievie Bernadette Allyson Carmina Villarroel

Gary ini-stalk noon si Dina; magpapakamatay ‘pag ‘di pinansin 

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Gary Estrada sa Saturday morning show na Sarap, Di Ba? ng GMA …

AR dela Serna Harry Roque

Sino nga ba si AR dela Serna na laging kasa-kasama ni Harry Roque sa Europe?

HATAWANni Ed de Leon MAY ilang nagpadala sa amin ng messages ilang araw na at …

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *