Thursday , June 13 2024
Duterte PNP Zeid Ra’ad  Al Hussein United Nations Human Rights
Duterte PNP Zeid Ra’ad  Al Hussein United Nations Human Rights

UN special rapporteur, ipakain sa buwaya — Duterte

IPAKAKAIN sa mga buwaya ang sinomang United Nations special rapporteur na mag-iimbestiga sa isinusulong na drug war ng administrasyong Duterte.

Ito ang babala ni Pangulong Rodrigo Duterte makaraan batikusin ni UN High Commissioner for Human Rights Zeid Ra’ad  Al Hussein ang kanyang direktiba sa Philippine National Police (PNP) na huwag makipagtulungan sa pagsisiyasat ng UN human rights.

Binigyan diin ng Pangulo, legal at nakasaad sa Saligang Batas ang kanyang direktiba sa PNP.

“Nagalit sila kasi ang advise is, ‘Do not answer questions from them.’ And that is for a reason, legal. That is provided for in the Constitution itself. Our Constitution. Kaya sinabi ko, ‘Iiwan mo na lang sa akin.’ E magpuntahan dito ‘yung mga g***. May mga buwaya ba rito? ‘Yung kumakain talaga ng tao. Doon mo itapon ang mga p*****… b***** ‘to,” anang Pangulo sa kanyang talumpati sa harap ng mga sundalo sa Zamboanga City, kamakalawa.

Paliwanag ng Punong Ehekutibo, kaya niya inatasan ang mga pulis na manahimik dahil maaaring magamit laban sa kanila ang anomang sasabihin sa imbestigador o hanapan ng butas ang kanilang testimonya na posibleng magpahamak sa kanila.

“Alam mo, sabi nila they are investigating us. Por Dios, kayong mga ugok, if you are investigating us, the rule sa criminal law is any statement or answer that you may give might incriminate you. E ‘pag nabitawan mo ‘yang magtanong-tanong sila, free willing ka mag-ano, e recorded, e ikaw mismo, ‘pag tinawag ka na doon, you are bound by your anong pinagda-daldal mo,” aniya.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Sam Verzosa Yul Servo

VM Yul at Rep Sam magsasalpukan sa pagka-Manila mayor 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPARAMDAM na ang bofriend ni Rhian Ramos na si partylist representative Sam Versoza sa ilang barangay …

DOST assists Damugu sudsud weavers in Talakag, Bukidnon

DOST assists Damugu sudsud weavers in Talakag, Bukidnon

The Department of Science and Technology Regional Office X recently made strides in its mission …

SANKEI 555 Ball Joint

Produktong Japan ginaya
NBI NAGHAIN NG SUBPOENA SA EXPO BOTH NG SANKEI 555

SA IMPORMASYONG imitasyon at hindi orihinal ang produktong naka-display, inihain ng National Bureau of Investigation …

Federation of Free Farmer FFF

Rice Tariffication Law (RTF) naging pahirap 
MAGSASAKANG PINOY UNANG TATAMAAN NG MABABANG TARIPA

AMINADO si Leonardo “Ka Leony” Montemayor, Chairman ng Federation of Free Farmers (FFF) na malaki …

Migz Zubiri Pope Francis

Pope Francis binulungan si Migz: Protektahan ang pamilyang Filipino

“PINAKIUSAPAN ako ni Pope Francis to ‘protect the family,’ at isasapuso ko ang sinabi niyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *