Monday , June 24 2024
Duterte Donald Trump Kim Jong-un

Trump-Kim meeting positibo kay Digong

IKINAGALAK at umaasa  si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, matutuldukan na ang tensiyon sa Korean Peninsula at pangambang sumiklab ang digmaang nukleyar, bunsod ng nakatakdang pag-uusap nina US President Donal Trump at North Korean President Kim Jong-un.

“We welcome this dialogue between the Head of North Korea and President Trump. Si Presidente Duterte po noong ASEAN, noong APEC… paulit-ulit po niyang sinasabi na wala pong interes na magkaroon ng giyera dito sa ating rehiyon,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa Iloilo City, kamakalawa.

“Ang giyera po ay magiging dahilan para tumigil na naman ang nararamdaman nating pag-unlad dito sa ating bayan. Kaya ang inaasahan po niya, ang mga hindi pinagkakasunduan ng Amerika at ng North Korea, mapag-uusapan,” dagdag niya.

“At ngayong mag-uusap po sila, ito po’y dahilan para magalak naman ang Presidente, at nagbibigay ng pag-asa na ang kontrobersiya ng Korean Peninsula ay mabibigyan ng mapayapang solusyon,” sabi ni Roque.

Batay sa pahayag ng White House, pumayag si Trump na makipagpulong kay Kim sa Mayo 2018 ngunit mananatili ang sanctions laban sa North Korea hanggang walang kasunduan nilagdaan si Kim sa South Korea hinggil sa denuclearization.

(ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Check Also

knife saksak

Sinaksak ni Tibo
WAREHOUSE STAFF, SUGATAN

GRABENG nasugatan ang isang warehouse staff matapos saksakin ng kapitbahay na babae na kanyang nakatalo …

dead gun police

Robbery suspect patay 2 pulis grabeng sugatan

PATAY ang isang robbery suspect habang dalawang pulis ang sugatan sa isang enkuwentro sa lungsod …

airplane

Sex convict nagtangkang pumasok sa PH huli ng BI

MULING NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport …

Samuel Pabonita Pasay Police

POGO sa Pasay, krimen walisin — Pasay cop

INAMIN ni Pasay City Chief of Police Col. Samuel Pabonita, malaking bagay para sa seguridad …

3,000 Caviteños Cayetano DSWD

3,000 Caviteños nagpasalamat sa suporta mula sa mag-utol na Cayetano at DSWD

PINAIGTING ng mga tanggapan nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano ang kanilang pagbisita sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *