Friday , July 26 2024
Kris Aquino Paolo Polong Duterte
Kris Aquino Paolo Polong Duterte

Paanyaya ni Kris, tanggapin kaya ni Paolo?

HOW civilly nice of Kris Aquino sa kanyang tugon sa ipinost ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa social media account nito lambasting the Aquinos sa nakaraang pagdiriwang ng ika-32 anibersayo ng People Power.

Pero how unusual din of Kris sa kanyang himig na wari’y maaatim pa niyang imbitahang magkape ang anak ni Digong o ‘di kaya’y mag-inom.

We find Kris unsually nice dahil inokray na’t lahat ang kanyang angkan ay mayroon pa siyang “peace offering” kay Paulo para nga naman makapag-usap sila.

Kung iba-iba kasing basher ang namuntirya ng kanyang pamilya, tiyak na kung hindi man deadma lang ang stance ni Kris ay baka nakatikim ito ng pang-iinsultong hindi nito kailanman nalasap sa tanang buhay niya.

Pero sa isang banda, si Kris na rin ang nagbigay-katwiran sa kanyang pagiging civil. Ang ama nga naman ni Paulo na si Digong ang kasalukuyang nasa puwesto.

Bukod kay Digong who’s the country’s leader, nariyan pa si Sara na siyang alkalde ng Davao City. Oo nga’t naging Presidential Daughter si Kris who later became Presidential Sister sa pamununo ng kanyang Kuya Noynoy, pero no match siya at iba pa niyang sisters kung katungkulan sa pamahalaan ang pag-uusapan.

Call na ni VM Paolo kung papatulan niya ang paanyaya ni Kris na magkape o mag-inom. Pero kung kami sa Bise Alkalde, iga-grant namin ang imbitasyon out of pagiging maginoo.

Maaaring hindi nagkikita sina Paolo at Kris nang mata-sa-mata given their dissenting political views, pero may hatid na milagro ang isang mahinahong pag-uusap at paliwanagan.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Kate Hilary Tamani

Kate Hillary Tamani, nakopo ang maraming awards sa katatapos na WCOPA sa Tate

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-TALENTED pala ang batang si Kate Hillary Tamani. Sumungkit kasi siya …

Mark Anthony Fernandez, house tour

Mark may ‘ipagmamalaki’

I-FLEXni Jun Nardo NAKITA na namin ang sinasabing sex video umano ni Mark Anthony Fernandez. Gifted …

Gerald Anderson baha ulan carina

Gerald Anderson trending, hinangaan sa kabayanihan  

I-FLEXni Jun Nardo WALA nang Richard Gutierrez na tumulong noon sa biktima ng baha at bagyo sa …

Richard Gomez

Richard iniilusyon ng mga bading na magpa-sexy uli

HATAWANni Ed de Leon NAKATATAWA may gumawa ng isang survey sa mga bading sa pamamagitan …

Nadine Samonte Richard Chua

Asawa ni Nadine na si Richard pumalag; GMA tahimik sa insidente

HATAWANni Ed de Leon ANO ang akala ninyo just just lang si Nadine Samonte kaya okey kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *