Thursday , January 20 2022
sinesaysay FDCP NHCP
sinesaysay FDCP NHCP

Deadline ng Sinesaysay Film Doc Competition, ini-extend

MAAARI pa ring magsumite ng aplikasyon ang mga estudyante at nagnanais maging documentary filmmakerssa Sinesaysay Film Documentary Lab and Showcase hanggang Marso 31, 2018.

Ang Sinesaysay ay binuo ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pakikipagtulungan para sa taong ito ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) para maengganyo ang documentary filmmakers na mapalawak ang Philippine often-unvisited historical events na nakatutulong sa paghubog ng ating bansa.

Sa pag-uumpisa sa second quarter ng taon, hinati sa dalawang kategorya ang Sinesaysay—ang Bagong Sibol Documentary Lab at ang Feature Documentary Showcase.

Ang Bagong Sibol ay bukas sa mga bagong filmmakers na ginagawa ang kanilang una at ikalawang documentary full feature films. Anim na (6) projects at ang kanilang kasamahan ang sasailalim sa series of workshops at consultations sa pagde-develop ng kanilang short documentary films. Mula sa  applications, dalawang (2) projects ang mabibigyan ng P 700,000 grant para i-develop ang full feature versions ng kanilang project.

Para naman sa Feature Documentary Showcase, ang mga interesadong filmmakers na mayroon nang ginawang dalawang documentary full feature films ay kinakailangang magsumite ng 5-10 pitch trailer ng kanilang ibinigay na topic. Apat sa filmmakers ang bibigyan ng  co-production grant na P1-M para makapag-produce ng documentary full feature project na akma sa theme ng programa.

Noong Pebrero nagsagawa ng school campaign para mai-promote ang Showcase at Docu Lab sa mga paaralan ng Pacific College, De Las Salle College of Saint Benilde, Mapua, University of Sto. Tomas, University of Asia and the Pacific, at Ateneo de Manila.

Para sa ibang katanungan, bisitahin ang  https://www.fdcp.ph/sinesaysay/  o tumawag sa FDCP at (02) 256 99 08 local 103.

About hataw tabloid

Check Also

Nadine Lustre help Siargao

Nadine mas gustong tumulong, no time sa bashers

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA sa kanyang buhay ngayon si Nadine Lustre kaya naman wala itong time na …

Bianca Gonzalez

Bianca may tips para makaiwas sa Covid

MA at PAni Rommel Placente TINAMAAN din pala ng COVID 19 si Bianca Gonzales at kanyang pamilya. …

KD  Estrada Alexa Ilacad

Alexa nagulat nang tawaging babes ni KD (May relasyon na ba?)

MA at PAni Rommel Placente MUKHANG may something nang namamagitan kina Alexa Ilacad at KD  Estrada huh? Sa live …

Madam Inutz Daisy Lopez

Madam Inutz nami-miss si Big Brother

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga AMINADO si Madam Inutz na miss na miss na niya si Kuya o Big Brother. Isa si Madam …

Heart Evangelista Leni Robredo Nadine Lustre

Netizens kumbinsidong ‘kakampinks’ sina Heart, Nadine

WALANG dudang Kakampinks sina Heart Evangelista at Nadine Lustre. Ito ang nagkakaisang paniwala ng mga netizen matapos mag-post …

Leave a Reply