Monday , April 22 2024

No commitment muna para kay Sef Cadayona

SA PRESS conference ng bagong fantasy series ng GMA Network, ang Sirkus, nakita ng press up close ang simpatikong si Sef Cayadon at hiningan siya ng update tungkol sa pamba-bash sa kanya sa social media.

In a nut shell, marami naman daw siyang natutuhan.

Looking back, nakatanggap ng matinding pamba-bash si Sef dahil sa supposed intimacy nila ni Maine Mendoza.

“Before Christmas, parang wala na kaya happy,” he intimated.

“Happy na finally it all ended, sila rin naman… Happy Christmas.”

Before the year ends, the wrath of the AlDub nation has been switched to Jake Ejercito.

This is the reason why Sef has been left alone by the feisty AlDub fans.

Iba naman siyempre ang punto de vista ni Sef.

“Hindi ko naman siya natrato na ganoon,” he said in earnest.

“Pero para sa akin, I just go by with myself.

“Kumbaga, naka-blackout na ‘yan ever since sa akin.

“So, kung anoman ‘yung nangyaring news about whatsoever, hindi ko na siya napapansin.

“I’m just happy na masayang-masaya ang Pasko ko.”

Kay Maine pa rin, ‘di naman daw dapat na nag-break sila dahil never naman silang nag-on.

To set things straight, sinabi niyang wala naman daw talagang nangyaring kahit ano kaya walang dapat aminin.

Right now, he’s supposedly single and he wants it to remain that way.

“This year,” he stressed, “ako muna. Let’s see how it goes. I’m happy with myself.

“I’m actually very excited kung ano ang mangyayari sa work ko, sa mga plano ko sa trabaho para sa future life ko.”

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

 

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Darren Espanto Kyline Alcantara

Darren at Kyline isang taong naging mag-GF-BF

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Darren Espanto na naging girlfriend niya ang si Kyline …

Bong Revilla, Jr

Sen. Bong naospital nagkaproblema sa sakong

REALITY BITESni Dominic Rea KASALUKUYANG nasa isang ospital si Sen Bong Revilla Jr.. Iyon ang nakita …

Andres Muhlach

Andres Muhlach hindi pa nagkaka-GF since birth (Choosy kaya?)

HATAWANni Ed de Leon NO girlfriend since birth. Iyan ang deklarasyon ni Andres Muhlach tungkol sa kanyang …

Richard Gomez Stella Suarez Jr

Richard at Stella Suarez Jr magpinsan, hindi kambal o magkapatid

HATAWANni Ed de Leon MAY nabasa kaming isang kuwento tungkol naman sa dating sexy star …

Donny Pangilinan Kathryn Bernardo

Donny gusto rin daw manligaw kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon ANO na namang tsismis iyan? Noong una raw ay nagbalak din …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *