Wednesday , July 6 2022
blind item woman

Young actress, sa sahig nakatingin ‘pag nakikipag-usap

ISINUSUMPA ng kanyang mga kapwa artista—bata man o matanda—ang pag-uugali ng isang young actress sa pakikitungo nito sa kanila.

Himutok ng isa sa kanila, “Tama ba namang babatiin nga niya kami pero sa sahig naman siya nakatingin? ‘Kala ba namin, eh, maayos siyang pinalaki ng kanyang showbiz parents?”

Ugaling-ugali kasi ng batang aktres na ‘yon na hindi man lang titingnan  ng diretso ang kanyang kausap, “Kung ‘di kabastusan ang tawag ko roon, eh, hindi ko na alam.”

Pero bigla niyang napagtanto kung bakit ganoon ang ugali ng aktres,

“Naku, magtataka pa ba kami, eh, minsan isang panahon, eh, pinairal niya ang kawalan niya ng respeto sa kanyang fudra? Anong emote noon ng fadiraka niya, naghahabol daw ito sa kinikita ng anak niya. Eh, para wala na lang masabi ang aktres na ‘yon, eh, nagtatrabaho pa rin ang fadir niya!”

Da who ang young actress na itey na ayon sa kanyang mga nakaengkuwentrong artista ay masarap hatawin ng bareta? Kahit obvious na ang clue, itago pa rin natin siya sa alyas na Celia Bartolome.

(Ronnie Carrasco III)

About Ronnie Carrasco III

Check Also

AJ Raval

AJ ‘di buntis, flat tummy ipinagmalaki

MA at PAni Rommel Placente IBINANDERA ng sexy star na si AJ Raval sa kanyang Instagram account ang picture …

Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PAni Rommel Placente SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District …

Cristy Fermin Toni Gonzaga

Cristy ipinagtanggol si Toni Lupang Hinirang maayos na nakanta

MATABILni John Fontanilla DINEPENSAHAN  ni Cristy Fermin si Toni Gonzaga sa mga taong nanlalait kaugnay sa pag-awit nito ng Lupang …

Jake Zyrus Charice Pempenco

Jake Zyrus deadma sa ina sa kanyang Transman Journey

MATABILni John Fontanilla PALAISIPAN sa mga netizen ang hindi pagkakabanggit ni Jake Zyrus sa kanyang ina sa …

Geneva Cruz

Geneva sa tumawag ng trying hard— It’s a reflection of how bad you feel about yourself

MA at PAni Rommel Placente PINATULAN ni Geneva Cruz ang isang netizen na tumawag sa kanya ng …

Leave a Reply