Saturday , July 2 2022

‘Blogger’ sinibak sa PCOO

PINAGBITIW ni Communications Secretary Martin Andanar ang isang blogger na may kaugna-yan sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) nang mabasa ang mga pagbatikos niya sa ilang taga-mainstream media.

Ito ang nabatid ng HATAW sa isang source sa PCOO.

Anang source, sina-bihan ni Andanar na magbitiw si Paul Farol nang mabasa ang mga pagbatikos sa getrealphilippines.com. laban sa beteranong mamamahayag na ko-lumnista ng HATAW na si Mat Vicencio at Bandera reporter at columnist na si Bella Cariaso.

Noong Biyernes uma­no kinausap ni Andanar si Farol para mag-resign na bilang tagapamahala sa “news conferences” ng PCOO.

Matatandaan sa kanyang blog, ilang beses binanatan  ni Farol sina Vicencio at Cariaso na na-ging kritikal kay Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) executive director Joel Egco sa kanilang mga ko-lum sa kani-kanilang pahayagan.

Bukod sa blog na getrealphilippines.com, nakabalandra rin sa kanyang social media account na siya ay nangangalaga ng iba’t ibang social media pages na pawang may kaugnayan sa pa-momolitika.

Ilan dito ang Tito Badoy na may 24,347 likes; Paul Farol, 19,792 likes; Social Media Soup, 12,698 likes; Pinoy Buzz, 9,558 likes; 1911 PR, 956 likes at Social Media Soapbox, 92 likes.

Ayon sa ilang source, inilalako ni Farol ang nasabing social media pa-ges sa mga inaalok niya ng kanyang serbisyo bilang PR practitioner.

Nauna nang tiniyak ni Presidential Spokesman Harry Roque na paiimbestigahan ang isiniwalat ni Cariaso na pangha-harass ng “blogger” laban sa kanya matapos niyang isulat na nakatanggap ng death threats si Vicencio na hinihinalang mula kay Egco o sa kanyang mga kasamahan.

(ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Check Also

Lani Cayetano Alan Peter Cayetano Taguig 1

Panunumpa sa tungkulin sa Taguig City

MASAYANG nanumpa si Taguig City Mayor Lani Cayetano kay Hon. Judge Antonio Olivete sa pormal …

Ruffy Biazon Muntinlupa oathtaking 1

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City na si Mayor-elect Ruffy Biazon …

Mel Aguilar April Aguilar Las Piñas Feat

Mel at April Aguilar nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City

SABAY na nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar at …

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

INIHATID ng Cebu Pacific Air sa lungsod ng Tagbilaran, sa lalawigan ng Bohol noong nakaraang …

Bongbong Marcos BBM

Pagbasura sa DQ kay Marcos ‘di nakapagtataka – Makabayan

HINDI, umano, nakapagtataka ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon na idiskalipika …

Leave a Reply