Wednesday , June 29 2022

Vic, idinenay ang suspensiyon ni Maine sa EB

SA presscon ng pelikulang Meant To Beh, na pinagbibidahan ni Vic Sotto katambal si Dawn Zulueta, idinenay niya ang usap-usapang sinuspinde mula sa kanilang noontime show na Eat Bulaga si Maine Mendoza.

Halos isang linggo na kasing hindi napapanood sa EB si Maine matapos ang kanyang mahabang open letter para sa AlDub Nation, na binigyang linaw niya ang tungkol sa kanila ni Alden Richards na magkaibigan lang at loveteam lang sila ng binata.

“Definitely not. Ang alam ko, nakabakasyon siya. I’m not really in the know, I’m not privy to anything na personal niyang desisyon. Kasi, para sa akin, kung ano man ‘yun… respetuhin na lang natin kung ano man ‘yung mga issue niya, kung ano man ‘yung mga pinagdaraanan niya. Siya lang ang nakaaalam. I’m not privy to anything personal pagdating sa kanya,” sabi ni Vic.

Naramdaman ba niyang may pinagdaraanan si Maine bago ito magbakasyon?

Sagot ni Vic, “Kasi hindi naman kami masyado nagkikita, eh. Most of the time, nasa barangay siya, nasa studio kami. Parang once a week lang kami nagkakasama sa studio, eh, kapag Saturdays. Ako, personally, wala akong nararamdaman.”

May mensahe ba siyang nais iparating sa fans nina Maine at Alden?

“Eh, ‘yun lang naman pagkakaalam ko, wala naman talaga akong alam, eh. Yung love team, hindi naman talaga mawawala na ‘yun, eh. Andoon na ‘yun habambuhay. So, hintain na lang natin ang mga kasunod na kabanata.”

Ang Meant To Beh ay isa sa walong entries sa darating na Metro Manila Film Festival 2017. Mapapanood na ito simula sa December 25. Mula ito sa direksiyon ni Chris Martinez at produced ng APT Entertainment, Octo Arts, at M-Zet.

ROBIN,
‘DI NAGPA-VIP
SA BILIBID

SA guesting ni Robin Padilla sa Magandang Buhay ng ABS-CBN 2 noong Martes, binalikan niya ang naging karanasan bilang preso nang makulong sa New Bilibid Prison (1994) dahil sa kasong illegal possession of firearms.

Ayon kay Binoe, maipagmamalaki niyang hindi siya binigyan ng VIP treatment sa loob ng apat na taong pagkakakulong.

“Ilang libo kami sa loob. Walang nagreklamo riyan na ako’y nag-VIP treatment. Ako po’y nakisama, ako’y pumarehas, ako’y tumulong sa bilibid, ako’y nagtrabaho sa bilibid,” sabi ni Robin.

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Check Also

Blind Item Corner

Male bold star umokey sa booking dahil sa kawalan ng raket

ni Ed de Leon TUMAWAG daw ang isang dating male bold star sa isang taga-showbiz din, at nakikiusap …

Rita Daniela Ken Chan

Ken sa pagbubuntis ni Rita: I am so proud of you

MATABILni John Fontanilla MATAPOS ianunsiyo ni Rita Daniela sa social media ang kanyang pagbubuntis, agad  nagbigay ng mensahe …

Rochelle Pangilinan female blind item

Rochelle pinaringgan si female star na pinaplastic siya 

MA at PAni Rommel Placente TILA may pinatamaang isang female star si Rochelle Pangilinan sa kanyang Facebook account na …

Lolit Solis Bea Alonzo

Lolit muling pinatutsadahan si Bea

MA at PAni Rommel Placente NAGPATUTSADA na naman si Lolit Solis kay Bea Alonzo at idinaan niya …

JC Santos Beautéderm BeautéHaus Rhea Tan Shyleena Herrera

JC Santos handa na uling mag-topless
(Thankful sa alaga ng BeauteHaus) 

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga  BUONG ningning at full of confidence na inihayag ni JC Santos na handa …

Leave a Reply