Friday , April 19 2024
Joshua Garcia Julia Barretto Joshlia Robin Padilla Sharon Cuneta

Sharon at Robin sumabay kina Julia at Joshua sa pagpapakilig sa “Unexpectedly Yours”

SA grand presscon ng “Unexpectedly Yours” ay kitang-kita pa rin ang “magic” ng tambalang Sharon Cuneta at Robin Padilla at nandoon pa rin ang kanilang chemistry.

Siguro dahil hanggang ngayon ay parehong tine-treasure nina Shawie at Binoe ang kanilang friendship na sabi nga ni mega ay kambal ang tawag niya sa favorite leading man.

Naging masaya ang presscon dahil sa walang sawang pambubuking ni Sharon sa sweetness nina Julia Barretto (gumaganap na anak niya sa UY) at Joshua Garcia sa kanilang set at sabi pa ay mag-boyfriend na raw.

Ito namang si Binoe ay komedyante ang mga hirit na wala raw puwedeng gumanap na aktor sa karakter niya kundi tanging siya lang daw. In fairness to him ay oo nga naman. Tungkol sa bigote ni­yang inahit ay kagagawan raw ni Direk Cathy. Wala raw siyang nagawa kundi iwan muna ang pagiging rebolusyonaryo.

Dagdag ng action star, hindi lang acting nila ang binabantayan kundi pati suot nila at itsura. Si Joshua, mas lalo ring ginawang guwapo ni Direk Cathy na “yummy” ang dating sa mga scene nila ni Julia.

Isang feel good movie ang Unexpectedly Yours, at siguradong magugustuhan ng lahat ng millenials. Sa pelikulang ito, gagampanan ni Sharon ang papel ng overbearing at overachieving na si Patty na unti-unting nawawalan ng kontrol sa mga bagay at mga taong mahalaga sa kanya tulad ng kanyang trabaho, pamilya, at sariling katawan, at anak na si Yanni, na gagampanan ni Julia.

Si Yanni ay isang passionate at determinadong babae. Ang kanyang relasyon sa kanyang ina ay may lamat dahil sa annulment ng kanyang mga magulang, na siyang dahilan kung bakit naiba ang kanyang konsepto sa pagpapamilya.

Gagampanan naman ni Robin Padilla ang adventurous at charming na si Cocoy. Ang pagiging mapagbigay ni Cocoy sa kanyang pamilya ang siyang dahilan kung bakit wala pa rin siyang asawa sa kabila nang maraming taon.

Iniidolo si Cocoy ng kanyang nakatutuwa, mapagbigay, at equally charming na pamangkin na si Jason, na ginagampanan ni Joshua. May gusto kay Yanni na kanyang sinusundan sa social media.

Karapat-dapat banggitin na ang Unexpectedly Yours ang pinakahihintay na reunion movie nina Sharon at Robin mula noong sila ay nagbida sa kanilang 2001 na pelikula — ang Pagdating ng Panahon.

Unang inantig ng ShaBin love team ang buong bansa, 26 taon na ang nakalilipas nang nagbida sila sa classic romantic-action comedy film na Maging Sino Ka Man, na pina­sabog ang takilya noong 1991.

Ito rin ang ikatlong pelikula nina Julia Barretto at Joshua Garcia, na kilala din bilang JoshLia sa kanilang di mabilang na mga tagaha­nga. Unang nagtambal ang isa sa hottest Kapamilya love team sa blockbuster hit na Vince And Kath And James, na naging opisyal na entry ng Star Cinema sa 2016 Metro Manila Film Festival.

Ang tagumpay ng kanilang tambalan sa pelikula ang naging daan ng ikalawang full-length film — ang Love You to the Stars and Back, na ipinala- bas sa kalagitnaan ng taong ito.

Ang Unexpectedly Yours ay ikatlong pelikula ng direktor na si Cathy Garcia-Molina this year na ang smash hit Valentine movie na My Ex And Whys ang una, at ang katatapos na box-office triumph na Seven Sundays bilang ikalawa.

Minamarkahan din ng Unexpectedly Yours ang isa pang milestone sa stellar body of work ni Molina, sapagkat ito ang unang proyekto na nakatrabaho niya sina Julia at Joshua at maging ang Bad Boy ng pelikulang Filipino na si Robin at ng Megastar na si Sharon.

Maraming moviegoers ang nag-aabang na mapanood ang romcom movie na almost 2 million na ang views ng official trailer sa YouTube at punong-puno ang sinehan na pinagdausan ng red carpet premiere nitong Lunes sa SM Mega­mall Cinema.

Mapapanood ngayong November 28 (Wednesday) ang UY sa cinemas nationwide.

SUPPORTERS NI SYLVIA SANCHEZ
SA “THE GREATEST LOVE”
AGAD PINA-TRENDING
ANG “HANGGANG SAAN”  

Dahil sa sanib-puwersang suporta ng buong pamilya at mga kaibigan ni Sylvia Sanchez at tulong ng press people na nagmamahal sa sikat na Kapamilya actress, lahat ng mga sumuportang viewers kay Sylvia sa “The Greatest Love” ay inaba­ngan at pinanood nitong Lunes ang pilot episode ng kanyang bagong panghapong teleserye na “Hanggang Saan” kasama ang anak na si Arjo Atayde.

Kaya naman tulad ng naganap na Miss Universe 2017 na pumasok sa Top 10 ang pambato nating si Binibining Pilipinas Miss Universe Rachel Peters ay agad na nag-trending ang #HanggangSaanAng Simula. Nangako rin ang lahat ng supporters ni Sylvia na mula umpisa hanggang ending ay hindi sila bibitaw at magsasawang panoorin ang Hanggang Saan na napapanood Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Pusong Ligaw sa Kapamilya Gold.

Bukod kay Sylvia, kasama rin sa nasabing serye sina Yves Flores, Maris Racal, Ariel Ri­vera, Teresa Loyzaga, Ces Quesada, Junjun Quintana, Viveika Ravanes, Rubi-Rubi, Nikko Nati­vidad, Mercedes Cabral, Sue Prado, Maila Gumila, Rommel Padilla at Sue Ramirez at marami pang iba mula sa GMO unit ni Ma’am Ginny Monteagudo-Ocampo sa direksiyon nina Jeffrey Jeturian at Mervyn Brondial.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *