Thursday , April 25 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Saan patungo ang impeachment hearing laban kay CJ Sereno?

SA pinakahuling development, pinayagan na ng Supreme Court na humarap ang en banc justices kung ipatatawag ng House Committee on Justice sa impeachment hearing laban kay Chief Justice Lourdes Sereno.

Sa pagpayag ng Supreme Court, ang tatlong justices at court employees ay puwede nang humarap sa House panel sa impeachment rap laban kay Chief Justice Sereno.

Ibig sabihin nakahanda na ang kanilang clearance.

Ang nagreklamong si Larry Gadon, isang abogado, na nakasalang sa deliberasyon ay walang mailabas na ebidensiya.

At ang itinuturong source, ang reporter ng Manila Times na si Jomar Canlas.

Wattafak!

E saan pala ngayon patungo ang impeachment rap na ‘yan kung hindi sapat ang ebidensiya?

Ngayong pinayagan na humarap ang en banc justices, hindi kaya maging parang basurang dinurog ng bulldozer ang mga ebidensiya ni Gadon?

Ilan sa mga puwedeng iharap ng en banc justices ang issuance ng [temporary restraining order sa Senior Citizens cases at ang palitan ng komunikasyon nina Justice Teresita de Castro at ng Chief Justice.

Ang clustering case na kinasasangkutan ng Judicial and Bar Council, pinayagan si Justice De Castro ng Supreme Court na i-discuss ang merits ng main decision pero hindi ang deliberasyon na napunta sa nasabing decision.

At ang kaso na kinasasangkutan nina dating Solicitor General at ngayon ay Associate Justice Francis Jardeleza, pinapayagan si Justice De Castro na i-discuss ang merits ng kanyang hiwalay na concurring opinion pero muli,  hindi ang deli­berasyon ng pagtungo sa nasabing desisyon.

Sa mga susunod na hearing, malalaman natin kung sasampa o hindi ang impeachment rap, dahil lumalabas na nahihirapan ang nagreklamo na maitindig ang kanyang mga ebidensiya.

Ano ang mangyayari o saan patutungo ang impeachment hearing laban kay CJ Sereno?

‘Yan ang aabangan natin.

KUDOS MAYOR
OSCAR MALAPITAN!
CONGRATULATIONS
CALOOCAN CITY!

SA IKATLONG pagkakataon muling ginawaran ng Seal of Good Local Governance ang Caloocan City.

Kung local governance ang pag-uusapan, hindi na matatawaran ang kakayahan ni Mayor Oca Malapitan.

Ikatlo na ito at tingin natin ay patuloy na nagsisikap ang administrasyon ni Mayor Oca na pagbutihin ang kanilang pamumuno at pag-aangat sa kalagayan ng mga taga-Caloocan, may award man o wala.

BINABATI ni DILG OIC Catalino Cuy si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan makaraan gawaran ng ikatlong Seal of Good Local Governance ang siyudad sa isang simpleng pagtitipon sa Manila Hotel kamakailan. Nakamasid sina dating MMDA chairman Francis Tolentino at Caloocan City environmental planner Aurora Ciego. Na-ngako ang alkalde na ibayo pang pagbibigay ng maayos na serbisyo sa makasaysayang lungsod ng Caloocan. (JUN DAVID)

Kaya lalo tayong bumibilib sa liderato ni Mayor Oca. Habang tumatagal lalo siyang nagiging malapit sa kanyang mga kababayan at lalo naman niyang pinag-iigting ang paglilingkod.

Kudos Mayor Oca!

Kunsabagay, ang Navotas at ang Muntinlupa ay ginawaran din ng Award ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Hindi natin naririnig ang Maynila.

Anyareee?!

Sana sa susunod na taon ay marinig naman natin ang Maynila.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *