Wednesday , December 7 2022

Japan base singer Maricar Riesgo, ‘di issue ang pagpaparetoke

BILANG performer, hindi big issue para sa Pinay international singer na nakabase sa Japan na si Maricar Riesgo ang pagpaparetoke para mas ma-enhance ang hitsura.
Ani Maricar, ”Sa akin naman, hindi issue if magparetoke ang isang artist lalo na if sa tingin niya mas makapagpapa-boost iyon ng kanyang self confidence.
“Unang-una, choice naman niya ‘yun as long na sa pagbabago ng hitsura eh hindi magbabago ang ugali. Dapat mas lalo kang maging mabait at humble if mas na-enhance ang iyong looks.
Ikaw ba naisip mong magparetoke, tanong namin sa kanya. ”Oo , noong nagsisimula ako. Feeling ko ang laki-laki ng ilong ko ha ha ha pero hindi rin natuloy kasi natatakot din ako.
“Kaya heto medyo mataba pa rin ang ilong ko ha ha ha,” pagbibiro ng Pinay International Diva.
Sa ngayon ay abala si Maricar sa promotion ng kanyang awiting Lumuluha na mula sa komposisyon ni Yang Duna at arrange by Elron Tiguia at ipinrodyus ni Rob Tiquia.
Kasabay ng pagpo-promote ng kanyang carrier single ang konsiyerto  niyangMaricar Riesgo, Untold Music na magaganap sa Oct. 25, 7:00 p.m. sa Music Hall, Metrowalk Pasig City. Kakaibang Maricar ang mapapanood sa  konsiyertong ito. 
Magiging espesyal niyang panauhin sina Angelo Miguel,  Gio Levy,  Sta Maria band,  Ritmo band, Cosmoc Wall Band,  N2dg Band, Rapido, at Aikee. Host naman sina Boobita at Pepita Curtis.

About John Fontanilla

Check Also

Vhong Navarro

P1-M piyansa ni Vhong pinayagan ng korte

PINAHINTULUTANG makapaglagak ng piyansa ang aktor at TV host na si Vhong Navarro para sa …

Tuesday Vargas

Tuesday ‘nabastos’ ng dalawang baguhan

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST ang komedyanteng si Tuesday Vargas sa kanyang Instagram account tungkol sa naranasan niya …

Daniel Padilla Paolo Ortiz

Rey Paulo Ortiz Daniel Padilla in the making

MASAYANG-MASAYA si Rey Paolo Ortiz sa pagkakatanghal sa kanya bilang 2022 Prince Tourism Ambassador Universe kamakailan na isinagawa ang …

Carla Abellana Tom Rodriguez Rey PJ Abellana

PJ at Carla ‘di pa nagkaka-usap  simula nang magkaproblema

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAPANOOD namin noong Miyerkoles ng gabi ang magkapatid na PJ Abellana at Jojo Abellana para …

Jane de Leon

Jane na-dengue at nagka-UTI

MA at PAni Rommel Placente HUMINGI ng paumanhin si Jane de Leon sa lahat ng kanyang mga …

Leave a Reply