Thursday , June 4 2026

Cristine ayaw nang magpa-sexy: May asawa ako at anak, lahat ng desisyon ko kailangan makabubuti rin sa kanila

SA aking pagkakakilala kay Cristine Reyes, selosa siya. Sinabi rin ito noon ng kanyang asawang si Ali Khatibi nang minsang mainterbyu namin siya. Pero hindi na iyon ang nakikita namin sa aktres.

Sa pakikipag-usap namin sa kanya para sa pelikulang Spirit of the Glass 2 mulaOctoArts Films at T-Rex Entertainment hindi na siya nagseselos dahil naniniwala siyang loyal at honest sa kanya ang asawang si Ali.

Paano’y kitang-kita niya ang pagiging hands-on daddy ng asawa sa kanilang anak na si Amarah.

Sinabi pa ni Cristine na family man ang kanyang mister dagdag pa rito na hindi siya binibigyan ng dahilan ni Ali para magselos.

“Siguro kung may instances na mayroon akong dapat pagselosan babae pa rin ako, alam mo ‘yun. I’m sure. I’m just saying right now hindi naman niya ako binibigyan ng rason para makaramdam ng selos,” giit ni AA (tawag kay Cristine).

Ipinagmalaki ni Cristine ang pagiging disiplinado ng kanyang asawa kaya natutuhan niya rin iyon.

Nilinaw naman niya na hindi totoong pinagbabawalan na siya nitong magpa-sexy.

“Wala naman siyang ipinagbabawal, ang sa kanya lang kung gagawa man ako ng isang project make sure na it’s something that Amarah would be proud of.

“Kung noon kahit ano kaya kong gawin dahil wala naman akong iniisip na anak at asawa, ngayon dahil kasal kami, may asawa ako, may anak ako siyempre lahat ng desisyon ko na gagawin ngayon kailangan makabubuti rin sa kanila,” paliwanag pa ni Cristine.

Sa kabilang banda, sunod-sunod ang pelikulang nagtatampok sa aktres. Pagkatapos ng magandang rebyu sa kanya sa Seven Sundays ng Star Cinema, ito namangSpirit Of The Glass 2 na idinirehe ni Jose Javier Reyes ang kasunod.

Makakasama niya rito sina Daniel Matsunaga, Bb. Pilipinas-UniverseMaxine Medina, Janine Gutierrez, Benjamin Alves, Enrico Cuenca, atAshley Ortega.

Sinasabing ito ang pinaka-nakatatakot na pelikula ng taon at tiyak na pag-uusapan ng mga Pinoy mahilig sa horror-suspense films.

Mapapanood na ang Spirit Of The Glass 2: The Haunted sa Nov. 1 sa mga sinehan nationwide.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …