Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lola Tessie, sinuportahan ang concert ni Jake; Mommy Raquel, waley

PARA sa kanyang stature o estado, tila “demotion” na masasabi ang pagtatanghal kamakailan (October 6) ni Jake Zyrus (dating Charice Pempengco) sa Music Museum.
Hindi namin minemenos ang nasbing concert venue pero para sa mga singing upstarts o ‘di kaya’y hindi gaanong superstar ang lugar na ‘yon.
Seating capacity-wise ay hindi rin gaano karami ang puwedeng magkasya roon unlike sa ibang bigger venue na angkop lang pagtanghalan ni Jake na isa nang international singer.
Gusto naming isipin na hindi naman kasi si Charice ang main attraction kundi si Jake na “bagong silang” lang sa larangan ng pag-awit. And since Jake is a virtually new artist, magandang testing ground ang Music Museum para masukat ang public acceptance sa kanya.
Samantala, hindi pala ang pagpapakita ng dibdib ni Jake—na unang kumalat—ang nagsilbing pasabog ng concert kundi ang duet nina Charice at Jake.
So, parang Doble Kara lang ang peg!
Seriously, masaya kami para kay Jake dahil nagkaroon siyang muli ng renewed enthusiasm sa kanyang craft. Malaki talaga ang nagagawa ng may bago siyang pinaghuhugutan ng inspirasyon to continue what she loves doing and what she does best.
Understandable kung wala sa gabi ng kanyang concert ang ina niyang si Mommy Raquel at sa halip ay sinipot ‘yon ng kanyang grandma na siLola Tessie.
Speaking of Mommy Raquel, kumusta na nga ba ang planong pagsasampa niya ng kaukulang demanda laban sa MMK (at pati sa ABS-CBN)? Pero alang-alang man lang sa anak na pilit bumabangong muli, Mommy Raquel should have showed up at Jake’s concert.
Kaso nga, nganga!  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …