Friday , May 17 2024

Sue, Miles, Jane, Michelle at Chanel, mananakot sa The Debutantes

ANG tinaguriang It  Girls ng horror film na sina Sue Ramirez, Miles Ocampo, Michelle Vito, Jane De Leon, at Chanel Morales ay magsasabog na ng takot at lagim sa exciting at thrilling movie ng taon, ang The Debutantes sa Oktubre 4.

Mula sa direksiyon ni Prime Cruz, director ng Ang Manananggal sa Unit 23- B. Magsisilbing biggest break din ito ng limang millennial stars sa big screen.

Iikot ang kuwento ng The Debutantes kay Kate (Sue), friendless at weird-looking na estudyante. Gusto niyang makipaglapit sa kapwa estudyanteng sina Lara (Miles), Jenny (Jane), Candice (Michelle), at Shayne (Channel). Subalit bigo siyang makuha ang loob nilang lahat hanggang sa dumating ang puntong madalas siyang ma-bully. Bukod-tanging si Lara ang naging malapit sa kanya.

Hangang sa nakararanas ng masamang panaginip si Kate. Binigyang babala ni Kate ang apat na babae pero hindi siya pinakinggan. Sa bandang huli, natuklasan niya siya pala ang dahilan kung bakit may kababalaghang dumarating sa mga babae sa pagsapit ng 18th birthday o ang debut.

Naiibang kuwento ng katatakutan ang hatid ng The Debutantes na swak na swak sa millennials at akmang-akma sa kuwentong bullying sa mga mag-aaral. Forte na ng Regal ang gumawa ng horror films na sakto sa panlasa sa manonood. Nakita ang Regal sa Shake , Rattle & Roll franchise at iba pa at ang festival entry nitongHaunted  Mansion na tungkol sa matitigas ang ulo na mga estudyante ay isa sa top grossers. Hit din sa takilya ang last horror flick nitong Pwera Usog.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Blind Item, Woman, man, gay

Gay showbiz personality hinimok magka-anak asawang male model sa GF

ni Ed de Leon NAPAG-USAPAN na rin lang iyang same sex marriage, noon pa namin …

Heart Evangelista

Heart magdadahan-dahan muna sa trabaho

HATAWANni Ed de Leon NAGDESISYON ngayon si Heart Evangelista na kailangan nga raw siguro siyang mag-slow down …

Robin Padilla Queenie Kylie Zherileen

‘Karma’ ni Robin unfair ipasa kina Queenie at Kylie

HATAWANni Ed de Leon PARANG unfair naman ang sinasabi ng mga tao kung minsan, nang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *