Saturday , July 27 2024

Teen singer Rayantha Lei, tatanggap ng award sa Japan

MASUWERTE ang teen singer na si Rayantha Lei dahil sunod- sunod ang proyekto nito bago magtungo ng Japan para tanggapin ang kanyang award at para mag-shows sa iba’t ibang panig ng tinaguring Land of The Rising Sun.

Madaragdag sa rami ng naging achievements ni Rayantha ang kanyang bagong award na tatanggapin sa Japan, ang Young International Artist 2017 sa 3rd World Excellence Japan Awards kasama pa ang ibang mga Pinoy achiever. At pagkabalik nito sa bansa ay magiging busy naman siya sa promotion ng kanyang kanta under Ivory Records na available na at puwedeng i-download sa Digital Stores Worldwide, ang carrier single na Nahuhulog.

Happy nga si Rayantha dahil very supportive ang kanyang parents sa kanyang showbiz career lalo na ang kanyang Mommy Lanie na laging kasama sa lahat ng showbiz commitments.

“Thankful po ako kasi mayroon akong supportive parents specially kay Mommy na laging nariyan para samahan ako sa mga show ko.

“And happy ako kasi available na ‘yung single ko na ‘Nahuhulog’ at puwede nang i-download.”

About John Fontanilla

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *