Saturday , April 27 2024

Nora Aunor seryoso na bilang director, movie co-producer with Fanny & Paolo (Puwedeng tumubo nang daang milyon!)

MATAPOS ang ilang dekada ay seryoso na raw si Nora Aunor na balikan ang pagpoprodyus ng pelikula.

Matatandaang noong kasikatan ng superstar ay nakapag-produce siya ng maraming movies na pinagbidahan rin niya at majority dito ay blockbuster.

Pero kumita nga nang limpak-limpak at dahil madatung na, walang paki sa kanyang finances at niloko siya (Nora) ng mga taong pinagkatiwalaan. And this year dahil may nakuhang puhunan ay pinaplantsa na ng actress ang ipo-produce na movie na pagbibidahan nilang tatlo nina Fanny Serrano at Paolo Ballesteros na sabi ay si Nora rin ang director.

No doubt na magtatagumpay si Ate Guy sa proyekto niyang ito lalo’t kasama niya ang bankable actor na si Paolo na top-grosser ang movie na “Die Beautiful” sa MMFF last year na kumita nang almost P300 milyon.

In fairness sa ganda ng casting ‘di imposible na tumiba nang daang milyon ang superstar bilang producer. Hindi lang kami aware kung iyong dating pangalan ng kanyang movie outfit na NV Productions ang kanyang gagamitin o bago na?

Marian Rivera role model!
BAGONG ENDORSEMENT
PAMPAPUTI NG KUTIS
AT MAGBIBIGAY
NG ENERGY SA WORKING
MOMS NA TULAD NIYA

KUNG mawi-witness ninyo, majority ng endorsements ng GMA Primetime Queen na si Marian Rivera ay mga beauty products na pampaganda ng kutis at buhok.

At may karapatan ang alagang actress ni Ateng Rams David dahil talaga naman nang magsabog ng kagandahan ang Itaas sa mundo, ay 101% ang nasalo ni Marian kaya certified na diyosa siya ng kagandahan.

Dahil effective ang bawat ineendosong produkto na nagiging triple o lampas pa ang sales sa merkado, may panibagong endorsement na naman si Marian, ang Snow Crystal White Tomato na ang kapsula ay hindi lang magpapaganda, magpapakinis, at magpapaputi ng inyong skin kundi magbibi-gay din ng energy at positive aura lalo sa working mothers. Ang presyo ng isang bote nito ay P2,985. Narito ang pahayag ni Marian sa grand launch ng kanyang new endorsement na ginanap noong Biyernes sa New World Hotel sa Makati.

“Hindi lang ito pampaputi, hindi lang iyon ang target ng Snow. Minsan kailangan talaga nating mag-take ng supplement para safe ka at may energy ka, ito na ‘yun. Maarte ako sa endorsement , gusto ko i-try muna at ini-explain din sa akin ang benefits ng Snow. Hindi na ako bagets, kailangan ko nang mag-supplement, sabi pa ng actress na ini-engganyo ang lahat ng working moms na tulad niya na subukan ito. Gusto rin pala ni Marian, na ma-ging ehemplo siya ng mga naging nanay na, na takot maging ina dahil pabaya na at hindi kayang alagaan ang sarili kapag may asawa’t mga anak na.

“Gusto kong i-embrace nila ang pagkakataon dahil napakasarap magkaroon ng asawa’t anak. Tapos iinom ng Snow (Crystal White Tomato). Ewan ko lang kung hindi ka maging snow-snow talaga,” say niya na super beautiful sa suot na dress. Dahil magarbo ang launching ng new endorsement ay biniro si Marian kung magkano ba ang ibinayad sa kanya ng President at CEO ng Vida Nutriscience, Inc., na si Mr. Erick Armigos, napahalakhak na lang nang sobra si Mrs. Dantes na obyus na malaki ang TF niya rito.

Kasamang nagpunta ni Yan Yan sa event ang pretty daughter na si Baby Zia, dahil sa kanya raw nakatoka ang bata at may taping ang mister na si Dingdong Dantes sa sequel ng action series nito na “Alyas Robinhood.”

Hangga’t maari ay ayaw raw niyang mahiwalay sa kanya si Zia pero kailangan daw talaga nilang mag-work ni Dong para sa future ng kanilang anak. At kung si Dingdong ay may Alyas Robinhood si Marian ay may bagong teleserye na Super Ma’am at nasa second season na ang show niyang Tadhana na napapanood sa GMA-7.

KIM NG BRGY. ST JOSEPH,
SAN JUAN DEL MONTE
MASUWERTENG
SUGOD BAHAY WINNER

Na-stroke ang ina ni Kim, kaya imbes makakatuwang ng kanilang ama sa pagtatrabaho ay natigil dahil sa pagkakasakit at malaking epekto ito sa buhay nila. Kaya pati renta ng kanilang unit na tinutuluyan sa San Juan Del Monte ay anim na buwan na nilang hindi nababayaran.

Ngayon dahil sa pagkakapanalo sa Sugod Bahay sa Barangay ay biglang nagkaroon ng bagong pag-asa si Kim sa dami ng mga nakuha niyang iba’t ibang premyo na kaloob ng Eat Bulaga at ng sponsors plus Bossing Savings Bank na Passbook, ATM na kaloob ng progra- mang tulong financial na P70K para sa pag-aaral ni Kim at pagpapagamot sa kanyang nanay. Puwede rin puhunan sa maliit na negosyo.

Pinakamasuwerte siya (Kim) sa lahat ng mga nanalo na sa Sugod Bahay dahil sinagot nina Alden Richards at Maine Mendoza ang baon niya sa school sa loob nang isang taon. Yes tatanggap ng monthly allowance si Kim mula sa AlDub loveteam.

Imagine, lampas daang libo na ang kanyang napanalunan ay may bonus pa sa kanya ang phenomenal loveteam ‘di ba, super lucky niya.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *