Sunday , January 29 2023

Matt Evans, pinuri ng CEO/President ng Beautederm

HAPPY ang CEO/President ng Beautederm na si Rhea Tan (Rei Ramos Anicoche Tan) sa kanyang mga image model na sina Sylvia Sanchez at Matt Evans dahil parehong masipag mag-promote.

Kaya naman nang kausapin ang mga ito ni Ms. Rei na magtungo sa Santiago, Isabela para sa opening ng BeauteDepot by BeauteDerm ay um-oo kaagad ang dalawa.

At dito nakita ni Ms Rei kung gaano kalakas sa tao sina Sylvia at Matt na talaga namang dinumog.



Parang sisters na nga ang turingan nina Sylvia at Ms Rei na maraming bagay na napagkakasunduan at ang produkto nga ni Ms Rei ang personal na ginagamit ni Sylvia kaya mas nagmukhang bata at napakaganda ng skin.

Kuwento naman ni Ms. Rei patungkol kay Matt, ”Walang ere at arte na artista si Matt. Wala siyang pinipili na kakausapin.

“Gusto ko kasi ‘pag endorser ko parang same kami ng personality. Si Matt natural ‘yung pakikitungo sa tao. Gusto ko ‘yung sincere. Taong maganda sa loob at labas.”

MATABIL – John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Ara Mina

Sa sunod-sunod na trabaho
ARA MINA AYAW MUNA MAGBUNTIS

I-FLEXni Jun Nardo TIME out muna si Ara Mina sa pagbubuntis this year. Eh nagdatingan kay Ara …

Spa Massage

Spa ginagamit para ibugaw mga starlet at indie stars

ni Ed de Leon AKTIBO na naman umano ang mga showbiz pimps. May isang showbiz pimp na …

Vice Ganda

Career ni Vice Ganda bumubulusok na?

HATAWANni Ed de Leon MAY tsismis kaming nasagap. Tsismis lang naman ito, hindi kami sigurado …

Charles Angeles

Charles ng Marikit Artist Management handa sa intriga sa showbiz

MA at PAni Rommel Placente NOONG Martes ng gabi, ipinakilala sa entertainment press ang bagong …

Klinton Start Nadine Lustre

Klinton Start wish maka-work si Nadine

MATABILni John Fontanilla MAGDIRIWANG ng kanyang ika-21 kaarawan ang tinaguriang Supremo ng dance Floor at …

Leave a Reply