Wednesday , July 6 2022

May mga susunod pa

MAGSILBING babala sana sa mga opisyal ng pamahalaan, mga politiko at taong gobyerno na naiuugnay sa ilegal na droga ang nangyari sa pamilya ni Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog nitong mga nakaraang araw nang salakayin ng pulisya ang kanyang bahay na ikinasawi niya, ng kanyang misis, mga kapatid at mga kasamahan.

Nakaumang na naman ang tila kamay na bakal ng kampanya kontra ilegal na droga, sa pagkakataong ito, laban naman sa malalaki at kilalang tao sa mundo ng politika. Ito ay base na rin sa mga pahayag na binitiwan ni Chief PNP Director General Ronald “Bato” dela Rosa, isang araw matapos ang operasyon sa Ozamiz na ikinaaresto rin ng anak ng alkalde na si Ozamiz Vice Mayor Nova Princess Parojinog.

Marami pa raw ang susunod na mga politiko o taong gobyerno na sangkot sa ilegal na droga ang kanilang susugpuin. Sila na mga una nang pinangalanan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na kanya na ring binalaan na tumigil na sa ganitong uri ng negosyo.

Tahimik pa ang pangulo hinggil sa nangyaring operasyon, pero naniniwala tayong marami pa ngang susunod na mga raid at operasyon laban sa mga taong konektado sa droga. At naniniwala rin tayo na may kukuwestiyon sa bawat operasyong gagawin ng pulisya lalo na kung halatang may overkill na pangyayari.

Habang tayo ay pumapabor sa pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga, naniniwala tayo na dapat ay nasa proseso o nasa ayos ang bawat gagawing operasyon. Due process pa rin dapat ang pinaiiral, hindi palaging dahas. Kaya hindi nawawala ang duda ng ilan na mayroong mga paglabag na nagawa sa oras ng operasyon dahil halatang-halata ang mga pinagtagni-tagning istorya. Nasa tamang paraan sana at hindi garapal!

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

RIP, Nonoy Andaya

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ITINAKDA ngayong araw ang inurnment ni dating Camarines Sur …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Patay muna aso bago turok ng bakuna

AKSYON AGADni Almar Danguilan KAPAG namatay na ang aso, saka lang babakunahan para sa anti-rabies …

PROMDI ni Fernan AngelesI

MOA ni Gina Lopez, ibasura na

PROMDIni Fernan Angeles NANANAWAGAN ang mga katutubong magsasaka at mga residente ng Sitio San Roque, …

Dragon Lady Amor Virata

Kagulat-gulat na anunsiyo ni Parañaque newly elected mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata FIRST time in history sa local government ng Parañaque, …

Sipat Mat Vicencio

‘Butas ng karayom’ ang papasukin ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio ANG pormal na panunumpa ni Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., bilang ika-17 pangulo …

Leave a Reply