Sunday , January 29 2023
shabu drugs dead

3 patay sa drug bust sa Tondo

TATLONG lalaki ang patay makaraan ma-kipagbarilan sa mga pulis sa buy-bust operation sa Tondo, Maynila, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga napatay na sina Leonardo “Bebe” Dela Cruz, Rodrigo “Digoy” Albos, at Reynaldo “Nognog” Dela Cruz, pawang residente sa nasabing lugar.

Ayon sa Manila Police District, nakabili ang kanilang operatiba ng P500 shabu mula kay alyas Bebe.

Ngunit makaraan mag-abutan ng pera at shabu, nakatunog si alyas Bebe na pulis ang kanyang katransaksiyon kaya itinulak niya upang makatakas.

Sumigaw anila si Bebe upang makahingi ng tulong sa dalawa niyang kasama.

Agad umanong pinaputokan sina alyas Digoy at Nognog ang ope-ratibang si Mandap, dahilan para gumanti ang nakaantabay na pulis at humantong sa enkuwentro ang operasyon.

Nang tamaan sina Digoy at Nognog, sinubukan ng mga pulis na pasukuin si alyas Bebe ngunit naglabas ang suspek ng granada.

Binaril ng mga pulis ang suspek nang akmang ibabato ang pampasabog.

Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang mga suspek.

Nakuha mula sa kanila ang 13 pakete ng shabu, dalawang kalibre .38 baril at isang fragmentation grenade. (BRIAN GEM BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Arnell Ignacio OWWA

Health and wellness ng mga OWWA employee tututukan ni Admin Arnell

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang concern ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Arnell Ignacio hindi …

SAF 44 National Day of Remembrance bulacan

Bulacan cops ginunita ang Fallen SAF 44 sa National Day of Remembrance

PARA sa National Day of Remembrance ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF), …

Arrest Posas Handcuff

Puganteng rapist at kilabot na kawatan, timbog

Dalawang lalaki na kabilang sa most wanted person sa Bulacan ang magkasunod na naaresto sa …

dead gun

Ika-5 suspek sa pagpatay sa 2 pulis sa Mabalacat, Pampanga, patay sa shootout

ANG ikalimang  suspek at lider ng Flores group na pumatay sa dalawang anti-drug cops ng …

dead gun

Wanted patay sa engkuwentro

Patay ang  lalaking wanted sa kasong robbery nang manlaban sa mga awtoridad na aaresto sa …

Leave a Reply